^

Pang Movies

Matapos magparamdam na gustong magkatrabaho beteranong aktor biglang umayaw, hindi gusto ang mga makakasama

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nakakatuwa na maraming senior stars ang gustong mag-try na namang umakting sa television. 

Isang veteran actor ang nagtanung-tanong sa mga kasabayan niya kung paano ang pagti-taping ngayon dahil interesado siya. 

Nagpadala na nga siya ng feelers sa isang big TV network na gusto niyang mag-comeback. 

Ikinatuwa naman ito ng network dahil naghahanap sila talaga ng isa pang medyo veteran actor para sa kanilang ginagawang soap.

Pero hindi na nagkaroon ng formal na usapan dahil nagbago raw ng desisyon ang veteran actor nang magtanong ito kung sinu-sino ang bubuo sa cast. 

Mayroon kaya sa cast na ayaw niyang makasama?

JLC nabuking na hindi totoong nag-LBM, mas piniling sumama sa iba kesa tumanggap ng award

Nakausap namin ang producer ng 44th Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scho­lar­ship Foundation kung bakit hindi nakarating si John Lloyd Cruz (JLC),  2012 Box Office King sa coro­na­tion night. 

Nagpasabi raw si JLC na may LBM siya pero magta-try na humabol dahil medyo late na rin naman ang pagbibigay ng award sa kanila ng Box Office Queen na si Bea Alonzo. But later on, nagsabi na raw ang road manager ni JLC na hindi na talaga makakara­ting ang actor.

Actually, dalawa raw ang hindi nakarating, si Coco Martin na nanalong Prince of Television award. Pero naospital that day si Coco, at naniwala silang totoo iyon dahil lagi talagang uma-attend si Coco ng mga awards night unless, very valid ang reason nito para hindi maka-attend.

Okey na raw sana ang reason ni JLC, until nalaman nila na nag-attend pala ito ng isang event na ka­sama ang fashion designer na si Charina Sarte na kasabay ng awards night nila. Marami kasing lu­mabas sa instagram na kuha sa event na magkasama sila.

Muling nabuhay ang rivalry sa acting ng magkaibigang Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz sa Mundo Mo’y Akin ng GMA 7. Parehong mahusay ang dalawa, pero nakahihigit si Sunshine sa mga tweets at comments dahil mas pinapanigan siya ng mga televiewers.

vuukle comment

BEA ALONZO

BOX OFFICE KING

BOX OFFICE QUEEN

CHARINA SARTE

COCO MARTIN

ENTERTAINMENT AWARDS

GUILLERMO MENDOZA MEMORIAL SCHO

JOHN LLOYD CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with