^

Pang Movies

Dahil sa bukol Fil-Canadian international model sinapawan ni Borgy sa rampahan!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

All smiles si Ben Chan kasi sa pagtatapos ng Phi­lippine Fashion Week, sinasabi ng mga tao roon na pinakabongga pa rin ang show ng Bench. Wala ang mga malalaking artistang karaniwan nang nakikita sa mga Bench fashion show, siguro naisip nga nilang established na naman sa isipan ng mga tao na sila talaga ang tinatangkilik ng mga artista pero ang ginawang main feature sa kanilang show ay ang Filipino-Canadian model na si Paolo Roldan.

Sa invitation pa lang nila, picture na ni Paolo ang nakalagay. Siguro nga malaki iyon sa tingin nila dahil si Paolo ay naging endorser ng Givenchy at nai-feature na rin sa Vogue Magazine sa Paris, France.

Pero noong dumating na ang moment of truth, noon mismong show nila na nagsara ng Philippine Fashion Week, mukhang mas malakas pa ang batak ni Borgy Manotoc na siyang nagsimula ng kanilang show. Si Borgy ang kauna-unahang model na lumabas at makikita talaga na biglang naglabasan ang mga camera pati ng mga nanonood na kumukuha ng kanyang pictures gamit ang kanilang cell phones.

Sa nakita namin, parang mas pinaboran pa rin ng mga Pinoy ang kapwa nila Pilipino kaysa sa Pinoy nga eh iba naman ang nationality talaga.

Marami na rin silang nakuhang international celebrities pero palagay namin ang pinakasikat sa Pilipinas na nakuha nila ay si Lee Min Ho. Alalahanin ninyo, napuno niya sa kanyang fans day lang ang napakalaking Arena ng Mall of Asia sa Pasay City.

Talagang nakakatawag pansin ang mga show ng Bench at walang dudang hinintay iyon ng ma­raming tao. Punung-puno ang dalawang hall sa kanilang show, samantalang ang iba ay isang hall lamang. Pero ang talaga ngang lumabas na star, si Borgy.

Galing ni Bella Flores kinilala sa Fashion Week

Doon din sa opening ng kanilang show, ipinakita nila ang isang short film na ginawa ng yumaong aktres na si Bella Flores para sa kanilang Bench­singko Films kasabay ng ka­nilang 25th anniversary. Noon lang namin nakita ang short film na iyon at napakaganda ng pagkakabigay ng naiibang tribute na iyon sa kontrabidang si Bella.

Siguro masasabi nating napakarami na ng ginawang pelikula ni Aling Bella, at nakapagbigay naman siya nang mahusay na perfor­mance sa lahat nang iyon, pero mas humanga kami sa kanya sa short film na naiwan niya na actually isa na ngang tribute sa kanya.

Nakakatuwang isipin na napanood pa ni Aling Bella ang tribute film bago siya nagkasakit at yumao. Siguro ang magandang alaalang iyon ay nadala rin ng primera contravida kung saan man siya naroroon ngayon.

Jennylyn dinedma ng mga class, mas pinansin pa ang mga hindi kilalang model

Nagpa-sexy ni Jennylyn Mercado sa show ng Bench pero hindi siya masyadong napansin dahil medyo high-end nga ang crowd noong isang gabi. Para ring hindi na bagay ang ganun kay Jennylyn lalo nga at nanay na nga siya.

Mas naging attractive pa ang ibang mga seksing model ng Bench kaysa sa kanya na na­tural lang naman dahil alam naman ninyo ang mga model, talagang alaga ng mga ’yan ang kanilang katawan at hitsura.

 

vuukle comment

ALING BELLA

BELLA FLORES

BEN CHAN

BORGY MANOTOC

FASHION WEEK

JENNYLYN

SHOW

SIGURO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with