Ted bubusisiin ang K-12 curriculum
MANILA, Philippines - Ipapatupad na ng Department of Education (DepÂEd) ngayong taon ang K (Kindergarten) to 12 basic education curriculum (BEC) reform program sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa. Ano na nga ba ang epekto nito sa masang Pilipino?
Iyan ang aalamin ni Ted Failon ngayong Sabado (May 25) sa award-winning investigative program na Failon Ngayon.
Matatandaang maraming magulang ang kontra sa K-12 dahil nangangahulugan ito na mas mataas na gastos at mas doble kayod para mapag-aral ang kanilang mga anak na mas matagal na ang guguguÂling panahon matapos lang ang elementarya at high school.
Sa K-12 program, ang isang bata ay kailaÂngang dumaan sa Kindergarten at labindalawang (12) taon ng basic education o isang taon sa Kindergarten, anim na taon sa elementarya, apat na taon sa Junior High School, at dalawang taon sa senior high school.
Bagama’t maraming ayaw rito, nanawagan pa rin ang DepEd sa publiko na pagbigyan ang naturang programa dahil mas maihahanda nito ang estudyante para sa pag-aaral sa Kolehiyo at mas mahuhubog ang mas malawak na kaalaman at kakayahan nito para sa pagta-trabaho.
Sapat na kaya ang P337 billion na budget na inilaan ng gobyerno para sa edukasyon ngayong 2013? Handa na ba talaga ang mga Pilipino sa K-12 program?
Kaya panoorin ang Failon Ngayon ngayong Sabado (April 13), 4:45 p.m., pagkatapos ng SOCO sa ABS-CBN. May replay din ito sa ANC tuwing Linggo, 2:00 p.m. Magkomento at ipahayag ang inyong saloobin sa official page ng programa sa http://www.facebook.com/failon.ngayon at i-follow ang @Failon_Ngayon sa Twitter. I-tweet ang inyong mga opinion gamit ang hashtag na #FailonNgayon.
- Latest