^

Pang Movies

Bella Flores nakapanghihinayang na tuluyan nang iniwan ang showbiz!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nakakahinayang na isa na namang magaling na aktres ang nawala, si Bella Flores, na pumanaw noong Linggo ng madaling araw, 1:27 a.m., sa Quezon City General Hospital kung saan siya isinugod ng kanyang anak na si Ruby Arcilla matapos na mahirapang huminga. May diabetes si Aling Bella, at nagkaroon ng iba pang mga kumplikasyon.

Sa kasalukuyan ay nasa Loyola Funeral Homes sa Commonwealth Ave, Quezon City ang mga labi ng magaling na aktres.

Ipinanganak ang sikat na kontrabida noong Pebrero 27, 1929. Ang pangalan niyang tunay ay Remedios Dancel. Ipinanganak siya sa Santa Cruz, Maynila. Naging asawa niya si Nestor Reyes, isang police detective, at nagkaroon ng isang anak, si Ruby nga.

Nagsimula ang career ni Aling Bella nang gawin niya ang kanyang unang pelikulang Tatlong Balaraw noong 1950, sa ilalim ng Premiere Productions. Pagkatapos noon ay nakuha naman siya sa Sampaguita at pinapirma ng kontrata sa nasabing studio. Nabigyan siya ng malaking role bilang malupit na tiyahin ng bata noong si Tessie Agana sa pelikulang Roberta. Noon ay 15 years old lang si Bella. Bukod sa naging isang napakalaking hit ang Roberta, tumatak din sa isip ng publiko ang natatanging pagganap ni Bella bilang malupit na tiyahin at magmula noon ay sa kanya na napunta ang lahat halos ng mga role ng kontrabida sa kanilang studio.

Noong 1967 ay pinarangalan si Bella ng FAMAS bilang best supporting actress dahil sa kanyang natatanging pagganap sa pelikulang Ang Kaibigan kong Santo Niño.

Isang magaling na aktres, naging kontrabida siya simula kay Tessie Agana, kina Susan Roces at Amalia Fuentes, hanggang sa panahon ng Stars 66 ng Sampaguita, at umabot pa hanggang sa panahon ni Maricel Soriano.

Charice umabot sa presinto nang nakipagsakitan sa nanay, kinompronta sa pinagtataguan kasama ang ‘GF’

 Matindi na pala ang nangyayari kay Charice talaga. Naitago nila iyon sa publiko ng ilang panahon din pero umabot pa pala sa presinto ang komprontasyon nilang mag-isa matapos na matunton siya sa bahay na pinagtaguan nila ang sinasabing “girlfriend” niyang si Alyssa Quijano. Nagkasakitan pa pala ang mag-nanay kaya humantong sila sa presinto ng pulisya at doon hiniling ni Charice na huwag na siyang pakikialaman ng nanay niya.

Wala na rin pala sa poder ni Oprah Winfrey ang batang iyan dahil nawalan daw ng gana ang international television host dahil nagpalagay siya ng tattoo sa kanyang katawan at saka tingnan naman ninyo ang ayos niya, para na siyang babaeng Asiong Salonga sa kilos at hitsura.

Pero kung ganyang pati ang ina niya ay kinalaban na niya. Bukod sa pagpapatalsik niya sa mga taong nakatulong sa kanya, kagaya ng dati niyang manager dahil hindi lamang pabor iyon sa kanyang ginagawa, palagay namin ay wala na talagang kapupuntahan ang batang ’yan.

Baguhang aktor nawalan ng trabaho matapos tanggihan ang mga gusto ng direktor

Out of the graces sa kanilang network ang isang baguhang aktor kahit na napansin pa siya ng publiko at mukhang maraming fans. Ang katuwiran ng mga nakasama niya, nag-inarte raw kasi iyon kaya wala nang assignment na nakuha.

Ang totoo pala, tumanggi iyon sa “advances” ng bading na direktor ng kanilang show kaya ganoon ang nangyari sa kanya.

vuukle comment

ALING BELLA

ALYSSA QUIJANO

AMALIA FUENTES

ANG KAIBIGAN

BELLA

CHARICE

NIYA

SIYA

TESSIE AGANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with