^

Pang Movies

Hayden at Raymond nagtukaan!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Pumayag si Hayden Kho, Jr. na makipaglaplapan kay Raymond Bagatsing sa mga love scene nila sa pelikulang Tinik, lahok ni Romy Suzara sa Master Directors Film Festival ng Film Deve­lopment Council of the Philippines (FDCP) this September.

Tinatanong ng mga kafatid kung sino ang tinik at sino naman ang matinik. Si Raymond ang buking na buking na bading sa pelikula at si Hayden ang kanyang macho lover. Say naman ng mga authority sa kabaklaan, ang dalawang consenting parties sa ganitong love affair ay parehong baklesh.

Tiyak na aabangan ng ating tsufatid na si Manay Letty Celi ang shooting ng mga intimate scene sa Tinik. Lalo pa’t kasali rin sa project ang mga lola gay na sina Fanny Serrano at Renee Salud.

Surely, hindi na papayag si Hayden na makipagtukaan sa dalawang gay character actresses who are more of characters than actresses.

Manay Letty, magsimba ka sa Sunday Mass ng ABS-CBN, tuwing 6 a.m., para malaman mo kay Direk Romy kung kailan kukunan ang mga eksena ng mga tinik couple. Si Direk din kasi ang direktor ng misa ng network tuwing Linggo.

Direk Mel tinitiyak na magiging sensational ang misteryosang leading lady

Isang new and exciting discovery naman ang ilulunsad ni Director Mel Chionglo sa kanyang Master Directors filmfest entry na Laureana with Allen Dizon as leading man.

Kukunan ni Direk Mel ang Laureana sa Padre Burgos, Quezon dahil tagaroon siya. Marami na ring obra ang yumaong Celso Ad. Castillo na doon sa magandang bayan ng nasabing probinsiya kinunan.

Tiniyak na ni Director Chionglo na magiging sensational ang kanyang bagong tuklas, tulad ng yumaong si Claudia Zobel na sobra ang ganda on screen.

Higit na excited tuloy tayo sa FDCP filmfest sa darating na Cine­malaya Independent Film Festival na sisimulan na sa July.

Direk Gil tapos na sa obra tungkol sa sportswriter na may exposé

Natapos na si Direktor Gil Portes ang Liars, na lahok naman niya sa Cinemalaya, starring Alessandra de Rossi as the sportswriter na nagbunyag sa mga overaged athlete ng Pinoy team na tinanghal na world champion sa Little League World Championship.

Binawi ang titulo sa ating bansa dahil sa exposé na ang tunay na may gawa ay isang male sportswriter na kilala ng lahat ng mga peryodista.

Pacman naareglo na ang naudlot na kontrata sa record label sa US pero bayaran ’di na nalaman

Iniurong na ng RBM Records ang demanda laban kay Rep. Manny Pacquiao dahil sa hindi pagtupad sa kasunduan ng champion boxer/lawmaker na tapusin ang napagkasunduang album. Nakapagbayad na ang kumpanya ng US$40,000 sa Pinoy boxing champion nang pirmahan noon ang kontrata.

Sa kasong naka-file sa isang US court humihingi ng US$10 million na kabayaran ang RBM, plus $200,000 for damages. Pero biglang nagkasundo ang magkabilang panig kaya’t iniurong na ang kaso.

Hindi lang ipinahayag kung magkanong halaga ang ibinayad ni Pacquiao upang maareglo ang usapin.

Showbiz personality nagkukumahog maghanap ng resibo para ipang-tapal sa mga ginastos kuno sa kampanya

Kinakalampag ng isang showbiz personality ang kanyang friends sa paghingi ng mga resibo. Kailangan kasi niyang mag-ipon ng mga official receipt para magamit...

 

ALLEN DIZON

CELSO AD

CLAUDIA ZOBEL

COUNCIL OF THE PHILIPPINES

DIRECTOR CHIONGLO

DIRECTOR MEL CHIONGLO

DIREK MEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with