Concert ni Vice Ganda mas maraming daldal kesa kanta
As usual sobrang mahaba ang concert ni Vice Ganda na ginanap Friday (May 17) sa Smart Araneta Coliseum.
Kung sabagay, sa start pa lamang ng concert, winarningan na ng gay comedian na kaya on time (8:30 p.m.) nagsimula ang concert ay dahil mahaba-mabang palabas nga raw ang kanyang inihanda.
Tulad din ng ini-announce ni Vice Ganda, during the presscon for the concert, ilan lang ang aawitin niya kasi he would prefer more na magsalita, magkuwento nang magkuwento. And that dominantly what happened nga sa concert.
Kung sabagay, interesting ang mga topic na na-discuss ni Vice Ganda. Bukod sa pawang mga current at ‘‘in na in.’’ Lalo na ang mga tungkol kay senator-elect Nancy Binay.
And what do you know? Every topic na kanyang binanggit ay ‘‘biling-bili’’ ng audience na maitutuÂring na extremely big. Kaya hangang-hanga kay Vice Ganda ang kanyang mga guest, na kinabibilangan nina Daniel Padilla, Enrique Gil, Regine VelasÂquez, Paulo Avelino, and, of course, ang may pinagdadaanang si AiAi delas Alas. Surprise performer was Coco Martin.
In the audience were Kris Aquino, who came with stylist and now a commercial model, too na si Liz Uy, Jed Madela, Anne Curtis who was with her mom, and mother and daughter Zsa Zsa Padilla at Karylle.
Dumating ang mga top gun ng ABS-CBN at Star Cinema na sina Charo Santos-Concio, Malou SanÂtos, Direk Olive Lamasan, CoÂry Vidanes, who were with her kids, her husband Bobbit Vidanes directed the show at siyang director din ng nagre-rate na noontime program ng ABS-CBN na It’s ShowÂtime produced by Junjun Santiago, August Benitez (ng marketing and advertising department), Direk Lauren Dyogi, business unit head, Deo Endrinal, na siya ring tumatayong talent manager ni Vice Ganda, Star Magic head, Mariole Alberto, and communications head Bong Osorio.
Andrea ni-research si Julie Vega
Ten-year-old Andrea Brillantes knows she is facing a challenge playing the title role in the soap Annaliza that will air Monday (May 27). Aware daw siya, after all, how popular the series was in the ’80s and where the late Julie Vega played the title role.
She has not seen a single copy daw of any episode of the ‘‘old’’ Annaliza. Pero nagkaroon daw siya ng pagkakataong mai-Goggle ang lahat ng tungkol sa pagkatao at nakaraan bilang child star ni Julie. And overwhelmed daw siya.
The young girl hopes na ma-equal man lang niya, kung hindi man malampasan, ang popularidad lalo na ang pagmamahal na ipinadama ng following ni Julie dahil sa pagganap niya bilang Annaliza.
Direk Ruel S. Bernal, whose business unit is producing the show, would want everyone to know this early na ’di nila religiously sinunod bawat episode ng original Annaliza. Kailangan kasing mag-inject ng something new since marami ring nabago sa ating panahon, kabilang na ang social media. Ganun pa man pinanatili nila ang pagiging classic ng series which what made it different from the other telenovela in its time.
Directing Annaliza are Theodore Boborol and Kathy Camarillo. Other stars ng Annaliza include Zanjoe Maduro who plays Annaliza’s foster father, Kaye Abad, Carlo Aquino, Denise Laurel, at Patrick Garcia.
- Latest