Susunod na Fast & Furious sa ‘Pinas na gagawin!
Ang daming napasaya nang pagdating ng major cast members ng Fast & Furious 6 dito sa Pilipinas na umabot ng tatlong araw ang promo blitz ng Solar Entertainment, Corp. bilang local distributor ng malaking Hollywood franchise film. Parang tinalo pa nito ang naging red carpet premiere night ng The Bourne Legacy na dinala rin ng Solar ang lead stars sa Manila.
Mula kasi Martes ay kabi-kabila na ang pag-iikot, private screening, at pa-interview ng Fast & Furious 6 cast, producer, at director hanggang mag-premiere night sa Mall of Asia, Pasay City nung Miyerkules na sinamahan pa ng car show at mga party sa bayside. Nung Huwebes ay nag-ikot pa uli ang grupo nina Vin Diesel, Michelle Rodriguez, Gina Carano, at Luke Evans sa Glorietta, Makati City at nagkaroon uli ng meet and greet sa media sa isang bagong hotel.
Kaya ilang araw nang may Vin Diesel fever sa metro dahil nauna na ring nag-solong mag-ikot sakay ng jeepney sa Bonifacio High Street, Taguig City ang maskuladong action star pagdating pa lang niya nung Martes.
Lahat ng makakita ay tuwang-tuwa kay Vin at ganun din sa mga kasama niya dahil wala silang kaere-ere at walang tigil ang ngiti at kaway sa mga tao. Puring-puri nila ang mga Pinoy at sila mismo ay nagulat sa mainit na pagtanggap sa kanila. Pinakamakulit si Michelle na second timer na sa Pilipinas at pinakatahimik naman ang mixed martial arts fighter na si Gina. Silang dalawa ang magkakasagupaan sa Fast & Furious 6 at talaga namang kaabang-abang ang kanilang fight scenes.
“I just wanna say you guys are so amazing. I feel humbled,†parte ng sinabi ni Luke.
Lumabas ang pagka-singer niya sa kanilang grupo dahil sa kanyang Miss Saigon stint kaya kilala pa niya ang ilang Pinoy cast na nakatrabaho. Ilang beses din niyang kinanta ang ilang linya ng Kailangan Kita (Leah Navarro original). Wala nga sa porma ni Luke, na parang-GQ magazine model sa preem night, ang pagkokontrabida sa sixth installment ng pelikulang tungkol sa drag racing at magagandang kotse. Pero magugulat ang mga manonood na epektibong demonyito pala siya.
“It’s so overwhelming,†say ni Michelle na walang tigil ang kaka-“I love you so much†habang paulit-ulit din ang “Mahal ko kayo†dialogue ni Vin kapag nabibigyan ng mikropono, bago mag-umpisa ang premiere night sa Centerstage cinema.
“When I go back to LA I’m gonna tell them (exeÂcutives) that if we’ll make (Fast & Furious) Seven, Eight, or Nine we’re going to shoot some scenes here (Manila),†deklara ni Vin kaya nagkahiyawan sa sinehan.
“When I go home I’m gonna check my Facebook page and and I want to see all your comments about the film.â€
Kung tutuusin ay hindi lang si Vin ang original na bida sa action film franchise dahil nung mag-umpisa ang Fast & Furious ay halos kay Paul Walker pa naka-sentro ang istorya pero kalaunan ay si Vin na ang nagdadala. Ginawang superstar na superstar ang aktor sa kanyang pagdating sa ‘Pinas para siguro mapunan ang puwang nang hindi pagdating nina Paul at Dwayne Johnson aka The Rock.
Proud din si Vin sa kulturang Pinoy dahil panay din ang banggit na Pinay ang kanyang hipag at multi-cultural daw sa bahay ng dalawang pamangkin niya.
Spoiler na kung spoiler pero nakaka-excite i-share na napakaganda ng latest Fast & Furious. Tiyak na nakarating na kay Vin sa ngayon ang mga reaksiyon ng fans sa kanyang Facebook account. Ayaw paawat ang maaksiyon at malalaking eksena. Malayo pang mag-preno ang pelikula dahil sa katapusan ng pelikula ay umapir ang bagong character — si Jason Statham! At mukhang siya na ang bagong kontrabida sa ika-pitong pelikula o sa susunod pa.
Kaya dalawa na ang aabangan sa susunod na Fast & Furious — ang mga eksena na posibleng kunan sa Pilipinas at ang pagpasok ni Statham. Mag-hello Manila kaya uli sila? Sana!
May ipare-rebyu?
E-mail: [email protected]
- Latest