^

Pang Movies

Mayor Atienza magpapasalamat sa double victory

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Na-touch ako kay former Manila City Mayor Lito Atienza dahil sa phone call na natanggap ko mula sa kanyang assistant.

Ipinarating sa akin ng caller na magpapatawag si Papa Lito ng Thanksgiving party dahil na-elect na konsehal sa Maynila ang kanyang anak na si Ali.

Double victory ang nangyari dahil wagi rin ang Buhay Partylist ni Papa Lito na ne­ver na nakalimot sa entertainment press.

Si  Papa Lito ang dahilan kaya magandang-maganda noon ang Maynila. Wish ko lang, kunin na consultant ni Manila Mayor Joseph Estrada si Papa Lito para sa rehabilitation ng siyudad na pamumunuan niya.

Nagkaroon ng malaking improvement ang Maynila noong nasa puwesto si Papa Lito pero nawala ang legacy niya nang matapos ang kanyang term. Hindi pa huli para maibalik ang kagandahan ng Maynila sa pamamalakad na gagawin ni Papa Erap. Mapapadali ang muling pagganda ng Maynila kung hihingin niya ang tulong ni Papa Lito.

Nancy ayaw tigilan ng mga paninira

Malapit na akong maniwala na may utak sa likod ng demolition job kay Senator-elect Nancy Binay dahil hindi na natapos ang mga panlalait sa kanya mula nang manalo siya.

Sorry na lang sa mga umaapi kay Nancy dahil mas marami ang may gusto sa kanya at pruweba ang mil­yun-milyong Pilipino na nagluklok sa kanya sa puwesto.

Wala na kayong magagawa dahil senadora na siya. Mapapatunayan na ni Nancy sa kanyang detractors na karapat-dapat siya na maging mambabatas.

Magagamit na ni Nancy sa Senado ang kanyang mga natutunan bilang assistant ng kanyang mga magulang.

Supporters ni Aga nakatutok pa rin sa bilangan

Hinihingi ng supporters ni Aga Muhlach ang tulong ng media dahil ang feeling nila, may himala na nagaganap sa bilangan ng boto sa Camarines Sur.

Leading si Aga sa congressional race sa 4th District tapos biglang nagkaroon ng problema sa bi­langan.

Kesyo, may chip na hindi napapalitan at isyu ng invalid votes kaya inihinto ang pagbilang sa mga boto.

Normal na magduda ang mga supporter ni Aga dahil siya nga ang nangunguna sa bilangan pero lumitaw ang mga isyu na ewan.

Ilang araw nang walang tulog at pahinga ang mga supporter ni Aga dahil talagang nagbabantay sila or else...

Gov. ER tiyak na ang panalo

Hindi pa tapos ang bilangan ng boto sa gubernatorial race sa Laguna pero lumalaki ang lamang ni incumbent Governor ER Ejercito sa kanyang kalaban.

Confident ang mga supporter ni ER na siya pa rin ang magiging gobernador ng Laguna hanggang sa 2016. Knowing ER, magpapatawag siya ng victory party kapag naiproklama na siya ng COMELEC.

Asahan natin na lalong sisipagin si ER na mag-produce ng mga pelikula dahil sa tagumpay niya sa pulitika. Maraming movie workers ang nakikinabang sa mga pelikula na ginagawa ni ER.

AGA MUHLACH

BUHAY PARTYLIST

CAMARINES SUR

DAHIL

KANYANG

LITO

MAYNILA

PAPA LITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with