Alden nagmukhang kawawa sa ibang kasama, naalala ang nanay
Final episode na ng Sunday noontime show na Party Pilipinas sa May 19 to be handled by Team-B headed by Direk Rico Gutierrez. Kaya kahapon ay hataw lahat ng numbers sa Mall of Asia Arena dahil special Mother’s Day presentation iyon ng Team-A headed by Direk Mark Reyes.
Kasama ng mga performer ang mga mother nila kaya naman napaiyak din kami for Alden Richards nang hindi niya mapigilang maiyak dahil wala siyang nanay na kasama.
Isa sa big numbers ng show ay ang pagsayaw ng Primetime Queen na si Ma-rian Rivera, una, a group dance number na sinayaw niya ang ChaCha ni Ryzza Mae Dizon pero naging dance party ang show later nang sumayaw siya ng hip hop numbers na sinabayan din ng audience ang pagsayaw niya. As for Marian, mukhang mga travel abroad muna ang gagawin niya for GMA Life TV dahil naimbitahan sila ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa 115th Philippine Indepen-dence Day Celebration sa New York City sa June 2 na makakasama niya ang mommy niya.
Isasama naman ni Sen. Bong ang wife niyang si Congresswoman Lani Mercado para maka-rest naman dahil naging busy sila sa pangangampanya. Tamang-tama rin na tapos na si Sen. Bong ng taping ng epic serye nitong Indio na magtatapos na sa May 31.
Tutuloy pa si Marian sa California dahil on June 8 sila naman ni Rafael Rosell ang guests ng GMA Life TV para sa 115th Philippine Independence Day Celebration sa Veterans Park, Moneta Avenue Carson City, California.
As of presstime, hindi pa namin alam kung ano ang ipapalit na show sa timeslot na iiwanan ng Party Pilipinas simula sa May 26. Saan kaya mapupunta ang napakaraming talents ng GMA na napapanood every Sunday?
May nag-tweet na sayang naman dahil kulang ang Sunday nila kung walang mapapanood na variety show ng GMA.
CineFilipino uunahan na ang Cinemalaya
Napapansin namin na dumarami ang mga film festival ng mga indie film. Kung may Cinemalaya International Film Festival na ginaganap tuwing third week of July, may mas mauuna sa kanila — ang CineFilipino Film Festival na gaganapin simula June 26 to July 5.
Isa sa entries sa festival ay ang Puti, isang suspense-thriller na bida si Jasmine Curtis-Smith ng TV5. Excited si Jasmine dahil first movie niya ito at iba sa mga nagawa na niya sa TV. Kasama niya sina Ian Veneracion, Lauren Young, Bryan Pagala, sa direksiyon ni Mike Alcarazen.
The Muses naman ang first movie project din ng sikat na pop rock singer na si Kitchie Nadal. Hindi niya natanggihan ang best friend niyang si Ja-nice Perze na siya ring magdidirek ng pelikula na tungkol din sa music ang story at gusto rin kasi niyang i-try naman ang pag-arte. Makakasama niya si Janelle Jamer.
- Latest