Idinenay kasi ang pakikipag-live-in sa aktres: Parents ni Heart hinahamong magpa-lie-detector test si Chiz!
Hanggang sa huling sandali ay ayaw talagang paawat ng magulang ni Heart Evangelista. Kahapon ay may bago na naman silang hirit against Sen. Chiz Escudero. Hinamon nila ang karelasyon ng kanilang anak na sumailalim sa isang lie-detector test dahil nagsisinungaling daw ito nang itangging nagli-live-in na sila ng young actress.
Ayaw nang sagutin ng kampo ng senador ang mga bagong pahayag na naman ng magulang ni Heart at sa halip ay naka-focus na siya ngayon sa eleksiyon na siyang pinakamahalagang araw sa buhay ng mga pulitikong kumakandidato.
“Laos na laos na ‘yang isyung ipinupukol kay Sen. Chiz. Ang totoo, ayaw na talagang sumagot ni Sen dahil ayaw niyang humaba pa ang gulo sa pagitan ni Heart at ng parents nito,†say ng malapit kay Chiz.
Ayon pa sa kausap namin, si Heart ang talagang pinaka-naiipit sa issue kaya naman mas pinili na lang ng magkasintahan na manahimik na lang at umaasa sila na someday ay matatanggap din ng magulang ng aktres ang kanilang relasyon.
“Hindi naman apektado ang kanilang relasyon and in fact, sa campaign rally last Friday, ang sabi ni Chiz, ‘Sa lahat ng ibinabato sa akin, isa lang ang masasabi ko – in love ako!’ At nakakatuwa ang reaction ng mga tao dahil talagang kinilig sila,†kuwento pa ng aming kausap.
Kahapon ay Mother’s Day pero nakalulungkot na hindi pa rin nagkakaayos si Heart at ang kanyang ina. Patuloy pa rin si Mrs. Ongpauco sa kanyang pangba-bash kay Sen. Chiz.
Asia’s Singing Sensation bibirit sa Macau at UK
Ang Asia’s Singing Sensation na si Clifford Estrala ang punong abala sa Macau para sa World Caravan Global Pinoy Singing Idol ng DZMM na ang coordinator ay ang radio anchor na si Ahwel Paz.
Sila ang pinamahala sa Macau katuwang sina Choi Perales at Ate Leonila Virrey na gaganapin sa June 9, 3-10 p.m. sa CMK (CHAN MENG KAM) Theater, Estrada Marginal Do Hipodromo, No. 73-97, Lai Va San Chun, Bloco II, Rc- 1 Andar, Macau. Bukod kay Clifford, magpe-perform din sina Jake Cuenca at Karylle.
Ang sampung nakapasa sa audition at maglalaban-laban kung sino ang magiging Macau Singing Idol ay sina Meynard Fabroa, Nelson Sarming Tinio, Khristofferson Alcachupas, Sarvie de Villa, Iven Irene Isidro, Jonard Gatchalian, Robert Cabana, Meldrid Atienza, Judith Pey, at Xerxes Cao.
Bukod sa Pinoy Singing Idol sa Macau, nakatakda rin si Clifford na mag-show sa Oregon, USA kasama si Allan Edgar Guzman. June 28 ay sa Beaverton at June 29 at sa Portland.
Then tutuloy siya sa UK para mag-concert kasama ang Pinoy talent na si Marvin Nolasco na isa ring Filipino, tubong Laoag City, registered nurse at grand winner last 2008 sa YMCA Asian Youth presentation held in Seoul, South Korea.
May album na rin si Clifford na tinutugtog dito sa ‘Pinas entitled Only In My Dreams under Aquarius Records. Sampu ang nakapaloob sa kanyang album. Mapapakinggan dito ang Nagmamahal sa ‘Yo, Kung Hindi Ikaw, Huwag na Lang, Say My Name, Only in My Dreams, Kay Saya, Please Don’t Lose Your Love by Jerameel Contreras, You’re Happy Now by Vhen Bautista, I Will Let You Go, Ikaw na Nga, at Palagi na Lang Ikaw.
Vice Ganda kinapos sa listahan ng mga senador
Tinotoo ni Vice Ganda ang sinabi na itu-tweet daw niya ang mga iboboto niyang senador ngayong eleksiyon. Last Saturday ay ipinoste na niya kung sinu-sino ito.
Kaya lang, sa kanyang tweet, hindi pa niya nakukumpleto ang listahan ng 12 senators dahil walo pa lamang ang kanyang inilabas.
“1. Escudero 2. Hontiveros 3. Gordon 4. Casiño 5. Angara 6. Cayetano 7. Jun Magsaysay 8. Pimentel,†ang tweet ni Vice.
- Latest