^

Pang Movies

Chiz proud na proud na in love!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Wish ni presidential sister Kris Aquino na lahat nang ini-endorse niyang senators sa Team P-Noy ay makapasok sa Top 12 bukas sa araw ng eleksiyon. Very vocal nga siya sa pagsama sa mga inindorso niya tulad nina Grace Poe-Llamanzares, Rep. Sonny Angara, Atty. Chiz Escudero, at ang pinakahuli niyang sinamahan sa kampanya sa Lipa, Batangas ay si Sen. Koko Pimentel na noon palang kabataan pa nila ay pinag-pair na silang da­lawa ni former President Corazon Aquino pagkatapos naging bar topnotcher ang senador. 

Naniniwala si Kris na nakasisiguro raw ang mga Pilipino kay Sen. Koko na ipaglalaban nito ang ating karapatan.

Natawa naman kami sa tweet ni Sen. Chiz last Friday evening sa kanyang @saychiz na “ang dami nang ibinatong putik sa akin… pero isa lang ang aaminin ko, in love ako.” 

Kaya lamang senador, hindi naman pala makaboboto ang lady love mong si Heart Evangelista dahil hindi naman siya registered voter, tulad din ng ibang artista na botante nga ay umalis naman ng bansa para mag-show o mag-taping abroad ng May 13 mismo.

Eat bulaga nagpaiyak ng audience!

Happy Mother’s Day sa lahat ng mga ina sa buong mundo. Kahapon sa Eat Bulaga ay tinupad ng show ang kahilingan ng isang inang Overseas Filipino Worker (OFW) na matagal nang nagta­trabaho sa Kuwait na gusto nang makauwi sa Pilipinas para makasama ang anak na eight years old pa lamang nang iwanan niya sa kanyang kapatid. 

Maraming naiyak sa studio nang biglang pumasok si Aling Rosario na dumating na pala sa bansa noong Huwebes at pinag-check-in nila sa hotel bago niya sinorpresa ang anak na nasa studio. Akala ni Rogin ay tatawagan lamang ni Vic Sotto ang ina para mabati niya. Kita mo ang kasabikan ni Rogin, yakap nang yakap at halik nang halik sa ina. Ayaw nang bumalik sa Kuwait ni Aling Rosario kaya binigyan siya ng isang Tindahan ni Aling Puring showcase at cash prize mula sa Puregold.

Regine kinontra sa emote ng loyalty

Maraming nagulat nang sa Twitter account niyang @reginevalcasid ay sinimulan ni Regine Velasquez-Alcasid na magtanong kung uso pa ba ang loyalty. Tinanong pa niya kung “paano kung hindi naman loyal sa iyo at ang turing lamang isa kang empleyado?”

May mga nag-react tuloy kung hindi pa raw ba sapat ang naibigay na work sa kanila ng husband niyang si Ogie Alcasid ng network para siya magsalita nang ganoon. May mga nagsabi rin na sana raw kung lilipat silang mag-asawa sa ibang network, hindi na lamang siya nagsalita.

At nang may nag-tweet naman na confirmed na pala ang paglipat nila sa TV5, sagot niya: “Please don’t put words into my mouth, I am bothered but not about me, I’m worried about my friends. Good nate!”

ALING PURING

ALING ROSARIO

CHIZ ESCUDERO

EAT BULAGA

GRACE POE-LLAMANZARES

HAPPY MOTHER

HEART EVANGELISTA

KOKO PIMENTEL

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with