Vice Ganda handa na kung sakaling malaos
Sa galing sumagot ni Vice Ganda sa mga question na ibinato sa kanya sa presscon last Monday ng kayang forthcoming concert sa Smart Araneta Coliseum na I-Vice Ganda Mo Ako, nagpalakpakan ang ilang entertainment press. Like when asked kung meron pa ba siyang gustong ma-achieve dahil mukhang nasa kanya na ang lahat ngayon, ang ganda ng kanyang sagot.
“Hindi na po ako magpapaka-plastic. Ang ipinagdadasal ko at iwini-wish ngayon, huwag muna akong malaos agad-agad. ’Yun lang,†sabi ni Vice.
“At saka ’pag tinatanong ako, ‘Alam mo naman, siyempre, ’yang trabaho mo hindi naman panghabang-buhay?’ Lagi kong sinasabi, ‘Kung babalik man po ako sa dati, kung mawawala ’yung ningning, handa naman po ako kasi sanay na ako dun.’ Ganyan. Pero ang totoo, natatakot naman ako talaga. Wala namang sumikat na hindi natatakot na malaos.â€
Ganun pa man, natatakot man siyang malaos, aniya ay pinaghahandaan din niya iyon.
“’Yang takot na ’yan, hindi ko hahayaang lamunin ako at bumagsak ang moral ko sa sarili ko. ’Yang takot na ’yan ay gagamitin ko para mapaghandaan ko ang kinabukasan para sa ngayon pa lang ay mayroon na akong iniisip na gawin kung saka-sakaling mangyari ang hindi maiiwasang mangyari. Kaya ipinagdadasal ko na huwag muna akong malaos kasi kung hindi pa ako malalaos, mas malaki pa ang pagkakataon na maipakita ko kung ano ang kaya kong gawin at saka marami pa akong mapapasaya.
“Saka marami pa naman akong ibubuga. Kaya, sana, huwag muna akong malaos,†buong ningning na pagtatapat ni Vice Ganda.
Natanong din kung may inendorso ba siyang politiko ngayong eleksiyon, aniya ay wala raw. Marami raw nag-attempt pero hindi raw siya pumayag. Nang tanungin kung bakit, say niya, “Hindi ko naman kasi sila iboboto eh.â€
Tawanan!
“Hindi, pramis. Kahit last time, noong presidential elections, ‘yung kumukuha sa akin hindi ko naman iboboto. Sabi ko, ‘Ano’ to, gaguhan? Hindi naman kita iboboto.’ Kung mag-e-endorse ako, kunwari, kinuha akong endorser ng isang politiko, sige, papayag ako. Sige, ilabas mo ako, sasabihin ko na sa buong mundo na iboboto kita.
“Pero kung manloloko ako, hindi na,†sabi ng gay comedian.
Bagama’t wala siyang ine-endorse, siyempre ay boboto naman siya. Itu-tweet na lang daw niya kung sinu-sino ang napili niya at parang anim nga lang daw ang mga ito.
Anyway, sa May 17 na gaganapin ang I-Vice Ganda Mo Ako sa Araneta at ayon kay Vice Ganda, kakaibang mga pasabog, sorpresa, at gimik ang kanyang inihanda para sa biggest comedy concert ngayong taon kabilang ang kanyang non-stop mind-blowing production number at ang never-before-seen version na tiyak na ikagugulat ng lahat.
Sa presscon ay inanunsyo na halos sold out na ang tickets at iilang piraso na lang daw ang natitira.
- Latest