^

Pang Movies

Richard tahimik sa kapalaran ng kontrata sa GMA

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ngaragan sa taping si Richard Gutierrez at buong cast ng Love & Lies na nagdadalawang unit sila dahil may taping break for the coming elections. Friday pa lamang pupunta na sa Cebu si Richard para sa miting de avance ng Mommy Annabelle Rama niya at partido nito sa North District ng Cebu. Kuwento ni Richard nang dumalaw kami sa taping, nag-slim daw ang mommy niya dahil sa kalalakad nito sa mga barangay na may inaakyat pa silang bundok pero nakita niyang masaya ang ina sa ginagawa nito. 

Handshaking sila sa umaga at caucus naman sa iba’t ibang barangay sa gabi. Tulung-tulong silang buong family dahil hindi sila puwedeng maging over confident na winner na sila sa eleksiyon sa May 13. 

Pagkaboto niya ay babalik siya ng Manila para sa taping dahil maghahabol din sila sa mga eksena na pawang malalaki dahil patapos na rin sila.

Napag-usapan nina Richard at dumalaw na entertainment press sa taping ang pag-alis ni Marian Rivera sa kanyang manager pero ayaw niyang mag-comment dahil wala naman siyang alam. Pero magkikita raw sila soon ni Marian para pag-usapan ang movie nilang My Lady Boss. Baka may additional scene pa silang isu-shoot. Ang problema, maikli ang buhok niya ngayon dahil isa siyang navy man sa Love & Lies. Wala pa ring masabi si Richard kapag nag-expire na ang contract niya sa GMA Network sa June, focused daw muna siya sa work. Ang sure niya, kahit tapos na ang taping nila, tuluy-tuloy ang tactical training niya sa Philippine Navy na isa na siyang reservist.

Stable at happy naman ang love life niya at gusto nga niya bumalik na rito sa bansa ang girlfriend na si Sarah (Lahbati). 

Sen. Koko napatawad na si Sen. Migs

Dalawang ina ang kasamang humarap ni Sen. Koko Pimentel sa isang presscon na ibinigay sa kanya ni Mother Lily Monteverde. Dumating din kasi ang ina niyang si Mrs. Lourdes “Bing” Pimentel para siya suportahan. Boost para kay Sen. Koko ang suporta ni Mother Lily at hanggang ngayon ay open ang communication niya sa ina at patuloy pa rin siyang humihingi ng advice nito. 

Naitanong pa rin kay Sen. Koko ang tungkol sa pandarayang naganap sa kanya noong 2007 elections at nagkausap na ba sila ni Sen. Migs Zubiri. Nakiusap si Sen. Koko na huwag nang pag-usapan ang tungkol doon dahil he has forgiven Migs pero huwag daw nating kalimutan ang lessons na nakuha sa pangyayaring iyon. 

Para kay Sen. Koko, mahalaga ang endorsement sa kanilang mga senador ni presidential sister Kris Aquino. Pinalad daw siyang napili na mai-endorse ni Kris at siya na lamang ang hinihintay nito para sa kanilang picture na gagamitin sa kampanya.

vuukle comment

CEBU

DAHIL

KOKO PIMENTEL

KRIS AQUINO

MARIAN RIVERA

MIGS ZUBIRI

NIYA

SEN

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with