^

Pang Movies

Starlet na dalawang beses na umayaw sa binibigay na trabaho, buburuhin muna ng kanyang network

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napundi ang isang TV executive sa pag-iinarte ng starlet nilang contract star. Eh nagbida na rin kasi ang starlet kaya feeling niya, karapatan naman siyang mamili ng role!

Ang unang offer sa starlet ay ang tiyahin na role sa bini-build up na artista ng network. Umalma ang ina ng starlet dahil halos magkasing-edad nga naman ang anak niya at ang rising star.

Ang kasunod na offer ay kontrabida naman sa isang sexy series ng role ng starlet sa isa pang bini-build up na artista ng network. Umayaw na naman silang mag-ina dahil mas sikat pa raw sila sa budding star, huh!

Naimbiyerna tuloy ang TV exec sa mga ginawang pagtanggi ng starlet sa offers ng network. Kaya bilang ganti, hindi muna bibigyan ng project ang starlet sa nasabing network!

Kahit inulan ng mga bato at bote, Erap hindi natatakot

Inulan ng mga bato at bote ang campaign rally nina President Joseph “Erap” Estrada at Vice Mayor Isko Moreno nung Sabado ng gabi sa Maria Clara at Simoun Sts. sa Sampaloc, Manila.

Nagsasalita si VM Isko nang may naghagis ng bato sa stage. Si Erap sana ang tatamaan ng bato kung hindi siya tumayo at pumunta sa backstage. Kaya naman si Konsehal Jo Quintos ang tinamaan sa braso kaya nagdugo ang kanyang braso.

Sa pahayag ng former president, ngayon lang siya nakaranas ng karahasan sa ilang dekada niyang panga­ngam­panya. Upang hindi na lumala ang violence, hin­di na siya nagtalumpati pa at pina­uwi na niya ang mga tao.

“Pero walang puwedeng manakot sa atin. Ipagpa­patuloy pa rin namin ang aming ipinaglalaban,” sambit ng kandidato sa pagka-mayor.

Raymart nagso-solo sa condo, dalawang anak parehong na kay Claudine

Nagagawang paghiwalayin talaga ni Raymart San­tiago ang problema sa asawa at focus sa trabaho Naku, kung ibang mala­king artista ’yan, siguradong apektado ang pagtatrabaho nito.

Base kasi sa staff ng family series ni Raymart sa GMA 7 na Home Sweet Home, never kinakitaan ng de­­presyon ang Kapuso actor. Focused pa rin siya sa kanyang role lalo na ’yung pasaway niyang cha­racter.

Sabi nga ni Mommy Inday Barretto, nasa cooling off period sina Raymart at Claudine. Base kasi sa tsika sa amin, mag-isang nakatira sa isang condo si Raymart habang si Claudine ang naka­tira sa bahay nila kasama ang mga anak na sina Sabina at Santino.

vuukle comment

CLAUDINE

ERAP

HOME SWEET HOME

KAYA

KONSEHAL JO QUINTOS

MARIA CLARA

MOMMY INDAY BARRETTO

RAYMART

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with