^

Pang Movies

Sa Amerika na rin isasampa ang kaso: Gretchen kakasuhan ng libel ang sariling kapatid sa Amerika

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Malala na talaga ang kaguluhan sa pamilya ng mga Barretto. Ngayon sinasabi ni Gretchen na may balak siyang sampahan ng kasong libelo ang kanyang ka­patid na si Gia na nasa US ngayon. Doon daw niya iyon sasampahan ng kaso. Kung dito nga naman ang kaso, wala ring mangyayari dahil hindi naman nila mapapauwi iyon. Kung doon, mararamdaman niya ang bigat ng kaso, samantalang sa parte ni Gretchen maaaring ang abogado na lamang niya ang mag-asikaso doon.

Nagbigay naman ng kanyang “last piece” si Inday Barretto, para matapos na raw ang lahat at may matira pang dignidad kahit na papaano sa kanilang pa­milya. Sinagot niya isa-isa ang mga sinabi ng ibang tao tungkol sa kanila, kabilang na ang statement ni Tanya Montenegro, Robbie Tan at Lily Monteverde.

Ang mabigat lang sa sinabi niya, hinahayaan na niya si Gretchen na umalis bilang bahagi ng kanilang pamilya. Hindi diretsahan. Medyo pino pa nang kaunti. Pero maliwanag na itinatakwil na nila si Gretchen at ayaw na rin nilang maging bahagi iyon ng kanilang buhay. Sa kaugaliang Pilipino, iyan ay napakabigat. Iyan na siguro ang ultimate na masasabi ng isang magulang sa kanyang anak. Maaari ka nang umalis sa pamilyang ito.

 Mas ok pa iyong sabihing pinalayas ka lamang sa bahay. Pero iyong sabi­hing umalis ka na sa pamilya, kagaya rin nang sinabi ng kapatid niyang si Gia, ay masyado nga sigurong masakit.

Aywan kung hanggang saan nga aabot ang lahat ng kaguluhang iyan. Siyempre iisa ang sinasabi nila ngayon, kasi may pera si Gretchen kaya makakapagdemanda siya. Kaya niyang magbayad ng mahuhusay na abogado. Kaya niya ang gastos ng litigation. Pero kaya ba naman ng kapatid niyang idedemanda niya ang gastos at ang istorbo ng isang kasong libelo?

Masakit iyong isang pamilyang nagkakagulong ganyan. Sana maayos na lang nila ang mga problema at huwag nang umabot sa kung ano pa. In the end, iisang pamilya pa rin sila.

Mike Tan, napapabayaan na

Nakaawa naman si Mike Tan talaga, isipin ninyong pitong buwan na pala siyang walang assignment kung ‘di ang mga nakukuha lamang na mga out of town shows at iyong paguest-guest paminsan-minsan sa mga shows ng kanilang network ang ginagawa niya.

May laman din ang kanyang sinabing ok lang naman iyon sa kanya dahil bale wala na ang pitong buwan dahil kung iisipin nga, noon daw ay limang taon siyang naghintay bago nabigyan talaga ng break. Nagkaroon nga siya ng sunud-su­nod na assignments at maganda naman ang feedback sa kanyang acting at following din ng mga fans, pero aywan nga ba kung bakit ngayon ay wala na naman.

Mas nabibigyan pa ng assignments ang mga baguhang kinuha lang naman nila sa kung saan at mga tongo naman kung umarte. Iyon nga lang malalakas siguro ang mga managers kaya ganoon.

GIA

GRETCHEN

INDAY BARRETTO

KUNG

MIKE TAN

NAMAN

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with