^

Pang Movies

Ellen Degeneres gusto nang makita ang batang Pinoy na si Aldrich!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Mukhang may susunod na sa yapak ni Charice Pempengco, na isa pang Pinoy YouTube sensation, ang 14-year-old na si Aldrich Lloyd Talon­ding, na kalalabas pa lang sa Internet ng music video na Dance With My Father,  mahigit one million hits na agad.

Napanood mismo ni Ellen Degeneres ang mahusay na version ni Aldrich Lloyd ng pop classic, kaya ang sikat na TV host mismo ang nananawagan sa kanyang show.

“Where are you Aldrich Lloyd,” nakangiting tanong ni Ellen na siya rin unang nakatuklas kay Charice. “We need you here.”

Ngayon ay balitang inaayos na ang mga papeles ni Aldrich upang maging guest sa The Ellen Degeneres show.

Bagong saltang aktor nadulas, lumabas ang pagiging dalaginding!

Na-excite muli ang mga kafatid sa isang bagong saltang aktor. Bukod kasi sa husto sa tindig ang panga­ngatawan, tipong matinee idol ang kanyang personality.

Tinanong ng mausisang movie press ang young actor kung papayag ba siyang maghubad sa isang bed scene. Biglang sagot niya na noon una ay tila memorized ang mga linya: “Part po naman ‘yun ng trabaho bilang artista. Okay lang po, basta hindi babae ang kapareha.”

Nataranta ang mga nagtanong at naghusga ng “Dalaginding!”

Baka naman nagulat lang ang bata sa simula ng kanyang initiation sa “kumukulong apoy” ng showbiz!

Malakas ang kapit kay Direk?

Macho actor hindi kinastigo kahit binitin ang shooting!

Ilang oras na-late ang isang macho actor sa shooting. Nang dumating siya, mukhang pagod na pagod at nanlalata. Naghintay pa nang matagal ang mga kasama niya sa eksena.

Pinapuntahan na siya sa P.A. upang tanungin kung handa nang mag-take.

“I’m not feeling well,” pabulyaw pang sagot niya. Nagsabi ang aktor na hindi na siya magtratrabaho that day. Umuwi na lang siya upang magpahinga.

Ang nakapagtataka, hindi man lang na-reprimand ang artista, o hindi nag­reklamo ang direktor at ibang namamahala sa produksiyon.

Please, huwag naman kayong ngumiti ng lihim. Mukhang alam ninyo kung sino ang kasiping ng macho sa buong magdamag!

Tinulungang senador walang nagawang pabor kay Mother Lily

Ang akala ni Jun Nardo masungit at hindi marunong ngumiti si Sen. Antonio “Sonny” Trillanes. Grabe pala ang kanyang sense of humor at hindi rin mapigil ang pagtawa, kapag mga tunay na kilala ang kausap.

Nang biruin siya ni Mother Lily ng “If I would be reincarnated, I want to be Mrs. Trillanes,” malakas na humalakhak ang re-electionist na senador.

Nang may nag-usisa naman tungkol sa mga ba­ding sa military, inamin naman ng senador na meron nga, pero hindi naman ‘yung mga nagbebestida o malamyang kumilos. Dagdag pa niya, hindi naman sa gender ng tao nakikita ang  husay niya tuparin ang kanyang tungkulin.

Tunay na naliligo sila ng sabay-sabay, lalo na noong nasa Philippine Military Academy pa sila. Say ni Sen Sonny, “they can look but they can never touch.”

Noong unang mahalal si Sen. Trillanes, ang unang tatlong taon ng kanyang term, pinaglingkuran niya sa loob ng piitan. Naka-detain pa nga siya, noong unang tulungan sa kampanya ni Mother. Ang kanyang misis, mga kamag-anak ang nakipag-usap sa showbiz press, nagwagi naman ang dating detainee.

Sa lahat nang ginagawang kabutihan ni Mother Lily Monteverde sa kanya, wala naman hinihinging kapalit ang lady producer. Kaya wala siyang masabi kung ano ang naiganti niya kay Mother Lily.

 

ALDRICH LLOYD

ALDRICH LLOYD TALON

DANCE WITH MY FATHER

ELLEN DEGENERES

MOTHER LILY

NAMAN

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with