Derek walang alam kung tuloy pa ang movie kasama sina Claudine at Cristine!
Masayang-malungkot si Derek Ramsay ngayong final episode na ng first action-serye niya sa TV5, ang Kidlat mamayang 7:00 pm. Itinuring ni Derek na ito ang pinakamalaking project na ginawa niya. Masaya si Derek dahil nakilala siya kahit sa pinakamalayong lugar sa Mindanao na nang pumunta siya para magpasalamat, bata at matanda, Kidlat na ang tawag sa kanya.
Mami-miss niya ang mga ginagawa niyang mall shows sa iba’t ibang lugar ng bansa. Kaya ni-request ni Derek sa TV5 kung puwedeng mahingi na niya ang costume ni Kidlat na ginamit niya kahit daw sira-sira na ito at gawing souvenir. Ipapa-frame raw niya para sa bagong house na ipinatatayo niya sa Sta. Rosa, Laguna.
Sa pagtatapos nila ngayong gabi, malalaman na ni Kidlat/Voltaire na buhay pa si Lara (Nadine Samonte). Malalaman din niyang ang number one enemy niyang si Diablo ay ang pinsan din niyang si Vincent (Baron Geisler).
Nag-crossover din sa story si Cassandra: Warrior Angel (Eula Caballero) na puwedeng hingan ng tulong ni Kidlat.
Derek is looking forward sa mga susunod niyang projects.
Bukod sa bagong action-serye sa TV5, may gagawin siyang movie for the Metro Manila Film Festival. Makakasama niya sina Lovi Poe at Solenn Heussaff. Excited daw siya dahil first time nilang magkakasama ng dating girlfriend na si Solenn na nagkahiwalay sila nang pareho pa silang wala sa showbiz. Hindi pa sure si Derek kung tuloy ang movie na gagawin niya sa Viva Films na makakasama niya dapat sina Claudine Barretto at Cristine Reyes.
Direk Eric consultant na rin ng TV5
Napaka-busy ni Direk Eric Quizon, pero nasa puso pa rin niya ang pag-arte dahil patuloy na may dumarating na offers sa kanya to act again. Pero oras ang problema sa kanya dahil masyado raw madugo ang bago niyang dinidirek na fantaserye sa TV5, ang Cassandra: Warrior Angel na bida si Eula Caballero. Co-directors niya sina Argel Joseph at Benedict Mique. Before Holy Week pa raw sila nagsimulang mag-taping pero sa Monday pa, May 6, mapapanood ang pilot episode nila at 7:00 pm. Iba’t ibang lugar din ang location nila, sa Bataan, Subic, Tanay at Metro Manila, at napakalaki ng kanilang cast. Inamin ni Direk Eric na nahirapan siyang mag-shoot sa Tondo, Manila dahil napakaraming tao at hindi siya makakuha ng malaking shot. Hindi rin mapigil ang mga tao na magpa-autograph.
Tinanggap din ni Direk Eric ang pagiging isa sa creative consultants ng TV5, kasama ang mga directors na sina Joel Lamangan, Mac Alejandre at Mike Tuviera. Sila ang mga creative directors for reality, sitcoms at drama. Tuloy pa rin ang work ni Direk Eric sa kanilang production sa Hong Kong at kung weekends, pumupunta siya roon pero bumabalik din Sunday evening para sa taping ng fantaserye kinabukasan. Hindi rin niya puwedeng hindi bisitahin ang Mommy nila, si Baby Smith, sa Los Angeles, California. Aware raw siyang their mom is not getting any younger kaya nami-miss sila.
- Latest