Mother Lily may pagnanasa kay Trillanes!
John Lloyd Cruz ng Senado ang tawag ni MoÂther Lily Monteverde kay Sen. Antonio Trillanes IV dahil sa taglay nitong kaguwapuhan. Pero bukod dito, aminado ang Regal Matriarch na hangang-hanga siya talaga sa pulitiko dahil sa katapangan nito at katalinuhan.
Sa una pa lang pagsabak ni Trillanes sa pulitika noong 2007 ay suportado na siya ni Mother Lily at ipinagpapasalamat ito nang labis ng pulitiko. Nakakulong pa nga siya that time nang tumakbo siyang Senador at hinding-hindi niya makakalimutan na dinala ng Regal Matriarch ang entertainment press sa kulungan at doon nagpa-presscon.
“Nung mga panahon na ‘yun, if you would recall, si GMA (Gloria Macapagal-Arroyo, then President of the country) talagang vindictive to people supporting the opposition.
“Pero hindi natakot si MoÂther Lily, iprisininta ako sa public through the movie press and later on, bumibisita si Mother Lily (sa presinto) kahit tapos na ang eleksiyon just to sociaÂlize and hang-out with us. Biruin n’yo, birthday ni Mother Lily, she spent with us, doon sa kulungan. And diyan natin makikita what kind of person she is.
Isa pang hindi nakakalimutan ni Sen. Trillanes ay ang yumaong si Rudy Fernandez dahil sinuÂportahan daw siya ng aktor noon kahit hindi nila hiniÂhingi ang suporta nito.
“Nung nakakulong ako noong 2007, in one of the shows over the weekend I think, nakita ko na iniinterbyu si the late Rudy Fernandez wearing our campaign shirt.
“So, talagang kikilabutan ka kasi we never asked him and I never met him pero kusang loob ni Mr. Rudy na iendorso kami at malaking bagay po ‘yan, so when eventually, he was in the hospital, we sent a message kasi hindi po kami makalabas sa kulungan, just to express our gratitude kay Mr. Rudy Fernandez,†pahayag ng Senador.
Ang nakakaaliw na statement ni Mother kahapon, “pag na-reincarnate ako, I would want to marry him.â€
Hahaha! May pagnanasa pala si MoÂÂÂther Lily kay Trillanes!
Baguhang pulitiko matagal nang kilala si Sarah
Finally ay na-meet din namin ang gwaÂpong negosyanteng nali-link noon pa kay Sarah Geronimo na si Anton CapistraÂno. Papasukin na rin niya ang politics ngaÂyon dahil tumatakbo siyang konsehal ng 4th District ng Manila.
Matatandaan na may natsismis noon kay Sarah na nag-aaral sa London na may crush sa kanya. Si Anton pala ‘yun.
Ayon kay Anton, four years ago nang makilala niya si Sarah at aminado siyang hanggang ngayon ay crush pa rin niya ang Pop Princess. pero ayaw muna niyang makipag-communicate at makipagkita daÂÂÂÂhil ayaw niyang pagbintangan na ginaÂgaÂmit lang niya si Sarah dahil sa candidacy niya.
Nagkakilala sila ni Sarah noong nag-birthday ang common friend nila na si Reli de Leon. Hindi lang natuloy ang komunikasyon dahil nag-aral siya sa London.
- Latest