Eula Caballero binigyan ng tatlong director sa Cassandra
Sa rami ng mga artista sa pangunguna nina Gabby Concepcion, Eula Valdez, JC De Vera, at ang gumaganap na tittle role na si Eula Caballero, sasabihin na ang Cassandra: Warrior Angel ang pinakamalaking family-fantaserye ng TV5.
Idagdag pa ang tatlong director — sina Argel Joseph, Benedict Miguel, at Eric Quizon na magsasalin ng mga colossal scenes ng bagong super-heroine series on TV, kaabang-abang ang premiere telecast nito sa TV5 on May 6, Monday, 7 p.m.
‘‘Kinukunan namin ang Cassandra sa kabundukan, kapatagan, karagatan, at maging sa kagubatan,’’ salaysay ni Direk Eric. ‘‘Makakarating pa kami sa Tondo, kaya malaki talaga ang scope ng kasaysayan ng buhay ng Warrior angel at ng kanyang pamilya at mga tauhan sa teleserye.’’
‘‘Hitik sa drama ang Cassandra,’’ pahayag naman ng batikang TV megman na si Argel Joseph. ‘‘Bukod sa action at fantasy, madudula ang mga tagpo sa teÂledrama at nagampanan naman ito nang mahusay ng lahat ng artistang kasama namin.’’
Kilala natin si Argel bilang TV director na nagÂlunsad sa career ni Robin Padilla at ng iba pang artista na nang makilala sa TV, naging big movie stars pa.
Ang pinakabata sa tatlong director, tiniyak na mamahalin natin si Cassandra tulad ng pagmamahal natin sa mga American super-heroine tulad ni Wonder Woman.
Lahat ng mga director, pinuri ang mahusay na pag-arte ni Eula Caballero at ang kanyang mahusay na pakikisama sa lahat ng involved sa Cassandra. Si Eula C. naman ipinagtapat na nabasa na niya at na-rehearse ang part niyang kukunan that day, kaya ang hinihintay na lang niya ang instructions ng director.
‘‘Kahit sa dressing room, paulit-ulit ko pa rin binabasa ang script at inaarte ko sa harap ng salamin,’’ say ni Eula C. ‘‘Gusto ko lagi akong ready for the take, kapag nakaharap na sa camera.’’
Si Eula Valdez naman, pinagtapat na fan siya ni Gabby Concepcion noon hanggang ngayon. Kaya thrilled siya sa kissing scene nila ng aktor, in her first TV5 assignment.
Si Gabo naman, masaya na kasama ang tulad ni Valdez na magaling na artista at walang ilusyon na siya ay diva. “Dapat sabayan ko, ang galing umarte ni Eula, para maibigay namin ang hinihingi ng bawat eksena.
Pinatunayan naman ni Direk Eric na all members of the cast perfectly deliverÂed sa mga kailangan sa kanilang role.
Sana masiyahan kami sa panonood ng maiden episode on May 6, para subaybayan din namin ang Cassandra: Warrior Angel, tulad ng pagtutok namin sa Enchanted Garden.
Ex ng poging actor inggit na inggit sa current girlfriend
Ang tawag ng magandang aktres sa kapwa artistang girlfriend ngayon ng kanyang dating lover, Jinkt, na ibig sabihin jinx.
Bintang nang naiinggit na artista, sinira ng current love ng kanyang former steady, ang career ng aktor. Nag-suffer ang popularity ng pogi dahil sa mga balita tungkol sa maligayang tandem.
Ayaw naman siyang pansinin ng maligayang aktres dahil alam na sinisiraan ng napapraning lang sa inggit ang (former girlfriend). Higit pang naiinis ang artistang sadlak sa dusa, nang ipakita ng lovely actress ang diamond ring na bigay sa kanya ng aktor!
Character ni Cesar na matagal nang pumanaw, naghahasik pa rin ng lagim
Gustong palitan ng mga televiewers ng Never Say Goodbye ang titulo nito na Never Say Die.
Matagal na kasing ipinapakitang pumanaw ang character ni Cesar Montano sa TV5 teledrama. Ngayon last few days na lang ng show, bumangon sa hukay si Cesar. Muli siyang nabuhay upang maghasik ng ibayong lagim sa mga tauhan sa teleserye.
Bam puwedeng sumikat tulad ni Richard Yap
Laging nasa winning circle si Bam Aquino sa mga senatoriable. Bukod sa pagiging multi-awarded youth leader, successful entrepreneur pa ang dating TV host. Ang personality ng bagong ‘Regal Baby’ ni Mother Lily Monteverde tipo talagang matinee idol. Kahit ngayon puwede siyang gumanap sa papel na nagpasikat kay Richard Yap.
Kaya lang walang hilig sa pag-arte ni Bam Aquino. Tulad nang halos lahat ng kanyang mga relatives, na todo ang suporta sa kanya, gusto niyang maging matapat na lingkod- bayan.
Ang sabi nga ni Bam, gusto niyang makatulong sa kanyang pinsang si Pres. Noynoy Aquino, kaya kumandidato siyang senador. Tiyak naman wagi si Bam, kaya mahahanay na siya sa kanyang mga relatives na naglingkod na sa Senate. Â
- Latest