Aktor bigay na bigay sa mga kasiping na bading, pinagduduhan nang ka-federacion din!
Ang aktor na nagbebenta ng aliw, higit pang naaÂliw sa kanyang mga customer na bading!
Marami palang willing at can afford na bayaran siya ng P50K per night dahil todo bigay ang bawat perÂformance niya. It is worth it, say nga ng mga rich gay.
Kaya lang ang napapansin ng ibang suki niya, mukhang mas enjoy pa sa pagtatalik ang artista sa kanila. Nagdududa na tuloy ang kanyang mga kasiÂping na isa ng full-blooded kafatid ang aktor!
Sen. Loren over protective sa mga anak
Siyempre natural lang na sabihin ng teenager son ni Sen. Loren Legarda, si Leandro, na ang mama niya ang one of the best mothers in the world. Agad naman kaming naniniwala dahil nakikita sa hitsura at galaw ng well-mannered young man.
‘‘She is always loving and over protective,’’ komento pa ni Lean sa senadora.
Enjoy ang anak sa pagsama sa campaign sorties ng kanyang ina. Lahat ng uri ng tao ay nakakausap niya at marami siyang natutuhan sa kanila. Bata pa si Leandro, may training na sa pulitika.
Pagkatapos ng May 13 elections, babalik si Lean sa States kung saan siya nag-aaral. Hangang-hanga ang teenager sa patuloy na genuine friendship ng kanyang ina at ni Mother Lily Monteverde.
Kuya Germs naka-golden suit din sa golden anniversary
Sa mga nagtatanong ng comment tungkol sa 50th anniversary (bodabil) show ni German Moreno sa Resorts World Hotel, hindi ako makapagsalita dahil hindi ako nakapanood nito.
Tunay na amused ako sa golden suit na suot ng Master Showman. Naku, hindi raw po siya kumanta ng Goldfinger na theme song sa isang James Bond 007 movie, at pinasikat ni Shirley Bassey. Mataas ang kantang ’yon at hindi kaya ng vocal range ni Kuya Germs.
Panoorin ko sa TV kapag nag-replay para may maikuwento ako sa inyo.
Aktor dalawang beses tumanggi sa garapalang hingi ng ‘honorarium’ kapalit ng award
Deretsahan ang pagbebenta ng awards ng isang grupo. Reklamo ng isang aktor, pangalawa na ang lumapit sa kanya upang humingi ng ‘‘honorarium’’ para sa nasabing parangal.
Tutol ang aktor na magwagi kung babayaran lang niya o magbibigay siya ng kontribusyon. Dahil ayaw niyang gumasta, siyempre hindi na siya pinansin ng grupo. Kahit certificate wala siyang natanggap, trophy pa kaya?!
Eat Bulaga makakatulong sa promo ng My Lady Boss
Maaari nang simulan sa Eat Bulaga ang isang My Lady Boss contest upang makatulong sa promo ng pelikula nila Marian Rivera at Richard Gutierrez.
Kahit three times a week lang ang gagawing timpalak ay malaking tulong ito upang madagdagan ang manonood ng pelikula ng GMA Films at Regal Entertainment, Inc. Marami namang puwedeng gawin sa pa-contest. Maaaring simpleng My Lady Boss search na personality pageant. Puwede rin naman ’yung tulad ng ginagawa sa ibang contest na nagdadrama ng mga tagpo sa My Lady Boss ang isang pair of contestants.
Surely, willing naman magbigay ng prizes, cash or in kind, ang GMA at Regal. Sana simulan na hanggang may panahon pa.
- Latest