^

Pang Movies

Kontrobersiyal na TV personality nag-promise na titino na, babalik sa pinagmulang network

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Babalik sa pinagmulan niyang TV network ang isang controversial na TV personality.

Hinihintay na lang na matapos ang isang show niya sa isang TV network at kaagad nga siyang pipirma ulit sa dating tahanan.

Sa naturang TV network siya unang nakilala at sumikat. Pero dahil sa kanyang pagkakaroon ng attitude kaya siya biglang binitiwan ng network.

Ngayon ay nangako ang TV personality na hindi na siya magiging sakit ng ulo ng mga tao sa network. Matino na siya at susunod na sa mga ipapagawa sa kanya.

Malaki ang pangangailangan kasi ng TV personality at kung hindi pa siya magbabago ng ugali ay lalo lang siyang mawawalan ng kabuhayan.

Pinagsisisihan na ni TV personality ang kanyang mga nagawang hindi maganda in the past. Aminado naman siyang yumabang siya at feeling niya ay napakalaking star na niya.

Pero patunay lang na sa showbiz ay no one is indispensable.

’Yung inakala niyang forever na kasikatan ay bigla na lang nawala noong magkaroon siya ng kasuklam-suklam na attitude.

Kaya sa pagkakataong ito, magpapakabait at magpapaka-humble na si TV personality.

Ayaw na niyang matulad sa mga sumikat na biglang lumaki ang ulo kaya mas maraming silang haters kesa sa mga nagmamahal sa kanila.

Jessica makakabiritan ang aktres na nakalaban din ni Charice

It was three years ago noong unang lumabas si Charice bilang Sunshine Corazon sa hit US series na Glee, ngayon ay pagkakataon naman ng American Idol Season 11 runner-up na si Jessica Sanchez ang magpakitang gilas sa naturang programa.

Lalabas si Jessica bilang si Frida Romero sa isang two-episode arc bilang pagtatapos ng 4th season ng Glee.

At tulad nang nangyari kay Sunshine Corazon, makakatunggali ni Frida si Rachel Berry (played by Lea Michele).

Sa lumabas na interview ni Jessica last April 23 via Associated Press on YouTube, ikinuwento ng may dugong Pinoy na teen singer kung paano siya naimbitahan na lumabas sa Glee.

“Oh, I freaked out. Ryan Murphy (Glee executive producer) called me into a meeting and I was, ‘For what? For Glee?’

“And then I went in and we had a simple meeting after Idol and I was really, really tired. And I really didn’t say much I just sat there and listened to what he said,” pag-alala pa ni Jessica.

Pagkatapos ng ilang araw ay nakatanggap si Jessica ng tawag mula sa kanyang manager at sinabing gusto siya ni Ryan Murphy para lumabas sa Glee.

“I’m like what? And right after the show, I’ve been taking acting lessons and I’ve been really working in it,” sabi niya.

Mag-uumpisa ang two-episode arc ni Jessica on May 2 at ang season finale episode sa May 9.

Kelan lang ay nabigyan ulit ang Glee ng dalawa pang seasons kaya may chance na muling mapanood pa si Jessica sa mga future episode.

Sa April 30 naman ang debut ng album ni Jessica na Me, You and The Music na produced ng 19 Recordings/Interscope Records. Available rin ito online at Amazon.com with an instant download of Tonight kung saan kasama niya si Ne-Yo.

“Ne-Yo is so amazing! He’s like the sweetest sweetheart ever! He’s like a big brother to me,” say pa ni Jessica sa kanyang video interview.

 

 

vuukle comment

AMERICAN IDOL SEASON

ASSOCIATED PRESS

CHARICE

FOR GLEE

FRIDA ROMERO

JESSICA

RYAN MURPHY

SIYA

SUNSHINE CORAZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with