^

Pang Movies

Pamilya Barretto pinalalaki ang giyera

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Tuluyan na ngang nahati dahil sa awayan ang pamilya ng mga Barretto. Matapos na kumampi noong isang araw si Jay-Jay kay Gretchen at kalabanin ang ina nilang si Inday, lumabas naman ang statement ng isa pa nilang kapatid na babae, si Gia, na marami rin namang inilabas laban kay Gretchen.

Ipinamukha pa ni Gia noon pa mang araw ay ayaw na ni Gretchen sa kanilang lahat at si Claudine ang talagang nagmalasakit sa kanilang lahat. Pinag-aaral pa raw ni Claudine ang kanyang mga pamangkin at ibinibigay sa mga iyon ang lahat ng kanilang kailangan, hindi dahil sa obligasyon niya kundi dahil gusto niyang makatulong talaga.

Sinabi rin niyang hindi totoong nag-artista si Gretchen kasi kailangan iyon ng kanilang pamilya dahil kahit na paano naman ay nasusunod ang kanilang layaw. May kanya-kanya pa silang yaya at iyon naman ay nagagawa dahil kumikita naman ang kanilang ama. Noon nga raw una ay ayaw pang payagan ng ama nila na mag-artista si Gretchen pero ang aktres ang nagpilit.

Sa huli ay nakiusap pa si Gia kay Gretchen na kung ayaw talaga sa kanilang pamilya, malaya naman siyang makakaalis, walang pipigil sa kanya pero tigilan na lang niya ang pananakit ng damdamin ng kanilang mga magulang at mga kapatid.

Sinabi rin ni Gia na kaya kumampi si Jay-Jay kay Gretchen ay dahil nagtatrabaho ito sa kapatid at wala nga sigurong magawa kung hindi ang sumunod.

Lalo nang lumaki ang giyera. Iyan ang sinasabi namin sa simula pa. Dahil sa kanilang pagpapalitan ng salita, mas marami pang mga bagay na hindi na sana dapat pang lumabas ang nalalaman ngayon ng publiko at wala silang masisisi kundi ang sarili na rin nila.

Actually, marami rin kaming alam na mga bagay-bagay na kung puwede nga ay mailalabas lang namin pero wala naman kaming pakialam sa kanilang away at lalo na sa kanilang pamilya. Kaya bakit pa naman namin ilalabas ang lahat ng alam namin? Tatahimik na lang kami.

Tony Tuviera sasaluhin lang ang bumababang popularidad ni Marian?!

Nilayasan ni Marian Rivera ang kanyang manager na ang katuwiran ay hindi na raw productive ang kanilang pagsasama bilang talent at manager, at ganoon din bilang magkaibigan. Pero sa tono ng salita, ang pagkakaalis ni Ma­rian sa kanyang manager ay desisyon lamang niya.

Hindi pa raw siya han­dang makipagharap na muli sa kanyang manager. Tumakbo naman siya kay Tony Tuviera ng Eat Bulaga. Mahirap nga namang banggain iyon ng kanyang manager dahil producer iyon ng longest running TV show.

Pero ang pagiging artista, wala sa manager ’yan eh. Ang manager gumagawa lang ng paraan pero ang artista talaga ang kailangang mahusay. Ewan kung ano ang magagawa ni Mr. T pero pababa na rin naman kasi talaga ang popularidad ni Marian ngayon eh.

Aktres hindi na hinabol ng asawa sa pangangaliwa

Hindi nagkaroon ng annulment ang kasal noon ng isang aktres at ng kanyang asawa. Pero hindi naman humabol ang kanyang asawa kahit na sumama siya at nagkaroon ng ibang lalaki. Ang katuwiran ng tunay na asawa, hindi naman niya hahabulin ang isang babaeng nangaliwa.

Nahuli siya mismo ng kanyang asawa na nagpunta sa hangout ng lalaking una niyang sinamahan.

vuukle comment

DAHIL

GIA

GRETCHEN

KANILANG

KANYANG

NAMAN

PERO

TONY TUVIERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with