^

Pang Movies

Marian idinenay na pinipirata ng ibang network sa halagang P120M!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nagulat at nalungkot kami sa very important announcement na ipinag-imbita ng APT Entertainment ni Mr. Antonio P. Tuviera sa lunch sa Luxent Hotel in Quezon City. Ang dahilan ay ang pag-alis ni Marian Rivera sa Luminary Talent Management ni Popoy Caritativo after niyang magpadala ng letter sa kanyang manager last April 24 at ang paglipat niya sa Triple A (All Access to Artists) Management na pag-aari ng kinilala niyang ama sa showbiz, si Mr. Tony Tuviera.

Wala nang detalyeng ibinigay si Marian kung bakit siya umalis sa kinilala  niyang momsie for seven years, maliban sa sabi niyang hindi na productive ang relasyon nila bilang talent at manager at kahit ang kanilang friendship ay apektado na dahil hindi na rin maiwasang magkaroon sila ng tampuhan. Kaya mutual na ang decision nila na maghiwalay na lamang.

Laman ng letter ang lahat ng gustong sabihin ni Marian, kahit ang ibang bagay na hindi alam sa kanya ng manager, pero hindi pa siya nagkalakas ng loob na makipag-usap nang personal kay Popoy na naintindihan naman nito. Sa text message niya kay Marian, sinabi niyang nirerespeto niya ang laman ng sulat nito sa kanya. Kahit daw si Mr. T ay nagsabing kausapin na nila si Popoy pero sabi niya ay hindi pa siya ready. Pero kinikilala ni Marian na kung ano meron siya ngayon, tulong lahat iyon ni Popoy sa kanya.

Matagal pinag-isipan at iniyakan ni Marian ang kanyang desisyon. Hiningi niya ang opinion ng kanyang mama, papa, at lola. Sa boyfriend na si Dingdong Dantes ay nag-open-up siya. Sagot nito sa kanya, kung anong desisyon ang gusto niyang gawin, nasa likuran lamang siya. At wala nga siyang naisip lapitan kundi si Mr. T, ang unang nakakita sa kanya nang maging endorser siya ng isang uri ng biscuit at siya ring nagpahanap sa kanya sa pamamagitan ni Popoy at na­ging daan para pasukin niya ang showbiz.

Aware si Marian na may mga magsasabi sa kanyang wala siyang utang na loob sa pag-iwan niya sa kanyang manager. Wala raw siyang contract kay Popoy pero inamin niyang mixed emotions ang nararamdaman niya ng oras na iyon dahil parang nakalaya na siya sa mga saloobin na matagal niyang inipon at itinago. Sa tanong kung may issue ba ng pera sa pagitan nila ng manager, ayaw niyang pag-usapan dahil hindi issue sa kanila iyon. Alam daw niyang mahal siya ng manager at mananatili silang magkaibigan.

Iba nga ang nakita naming kasiyahan ni Marian sa oras na iyon. After the presscon ay tinanong siya kung totoong may offer sa kanyang P120 million lumipat lamang siya ng network. Hindi raw totoo iyon. Hanggang August  pa ang contract niya sa GMA Network kaya mananatili siyang Kapuso. Alam niyang may sitcom pa siyang gagawin sa GMA 7. Kapag naayos na nila ni Mr. T at ng management nito ang dapat nilang pag-usapan ay saka nila haharapin ang lahat ng offers sa kanya.

vuukle comment

ALAM

ALL ACCESS

DINGDONG DANTES

MARIAN

MR. T

NIYA

NIYANG

POPOY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with