Lovi pinang-lamigan ng Kapamilya
MANILA, Philippines - Malaya na nga si Lovi Poe sa pagkakatali sa GMA Network matapos hinangin ang career ng ilang taon, huh! May plugging na kasi ang guesting ni Lovi sa Gandang Gabi Vice na aming napanood.
Kung bahagi ‘yon ng promotions ng movie nila ni Jennylyn Mercado na The Bride and the LoÂver, well and good dahil Star Magic din naman ang leading man ng Joel Lamangan movie na si Paulo Avelino.
Nagtataka lang kami kung bakit hindi na lumutang ang hangad ng Channel 2 na itali si Lovi at sa halip ay ang TV5 ang makulit na kunin si Lovi.
Biboy nakikitulog at nakikikain sa bahay ni Vaness
Wala pang balak sina Biboy Ramirez at girlfriend na si Vaness Moral na magpakasal. Gusto munang magpayaman ng aktor.
“Maganda ‘yung prepared ka financially. Oo kasi ayoko ng gagawa ako ng family at kapag may emergency wala akong pagkukunan! Maganda na ‘yung may paÂmilya ka na, may natatago ka pa. ’Pag may kailangang emergency meron kang pagkuÂkuhanan. Hindi ‘yung mamomroblema ka ng makukuhanan,†katuwiran ni Biboy nang makausap ng press kaugnay ng nationwide release ng ginawa niyang movie na In Nomine Matris.
Thirty two years old na si Biboy at gusto niyang pagsapit ng 35 ay magkaroon na ng pamilya. Seven years ang age gap nila ni Vaness na tutok din ang utak sa career.
Pero itinanggi ng aktor na nagli-live-in arrangement na sila ng girlfriend na busy ngayon sa Indio.
“Mas maganda ‘yung…Pero magkapitbahay kami. Nakikitulog na lang ako. Nakikikain,†saad niya pati na pag-amin na pagtulog niya sa kuwarto ni Vaness.
Kaugnay ng showing ng In Nomine Matris, bumalik ng bansa ang lead star ng indie film na si Liza Dino na winner ng best actress award sa pelikula sa New Wave Category ng 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Mga senador nakahilera kay Mother Lily
Gusto naming bansagan si Mother Lily Monteverde na The Mother of All Senators kasi naman hindi niya mahinÂdian ang mga tumatakbong senador na humihingi ng suporta sa kanya.
Aminado kasi ang natulungang senador ng Regal Entertainment, Inc. produ na merong magic hands si Mother Lily. Na once tinulungan niya, run away winner! Proven na ‘yan sa mga tinulungan senador ni Mader na nakaupo na ngayon.
This time, pila-balde ang senatoriables na naglalambing kay Mother Lily. Una niyang tinulungan ang magkapatid na Sen. Alan Peter at Lino Cayetano. Kasunod nito si Sen. Loren Legarda na kahit nangunguna sa surveys ay niÂlambing pa rin ang suporta ng producer.
Next in line ni Mother ang magkasama sa LiÂberal Party na sina Bam Aquino at Risa Hontiveros. Waiting din si Sen. Chiz Escudero. Maging si President Joseph Estrada na tumatakbo bilang Manila mayor ay gustong tulungan ni Mother Lily.
Sabi nga namin sa kanya, siya na lang ang tumakbong senador dahil sure winner na siyang tiyak!
“Tutulong na lang ako sa kanila in my own little way. Mahal ko ang showbiz kaya hindi ko ito puwedeng iwanan,†katuwiran ni Mother Lily.
Siyanga pala, si Mother Lily ang recipient ng Gawad Lino Brocka Achievement Award ng Golden Screen Awards for Movies tonight sa Teatrino sa Greenhills sa San Juan, Metro Manila.
- Latest