Anne aprubado ang panliligaw ni Sam kay Jasmine
Aminado naman si Anne CurÂtis na talagang nanliligaw si Sam Concepcion sa kapatid niyang si Jasmine Curtis Smith at para sa kanya ay okay naman ang Kapamilya young singer/actor.
“Mabait siya and he’s such a gentleman,†papuri ni Anne kay Sam.
So, aprub sa kanya si Sam?
“Ayoko pong magsabi but just as long as he just keeps up just what he is now then he’ll get my big thumbs up,†sabi pa ni Anne.
Dagdag pa ng host ng It’s Showtime, “But Sam is such a nice boy naman.â€
Allowed na rin naman na magkaroon ng boyfriend si Jasmine and in fact she’s had one before.
Basta ang pinapayo lang niya sa younger sis ay huwag magmadali.
“Parang enjoy every single moment if it’s getting to know the person, enjoy that first. Because when you commit you don’t wanna break somebody’s heart,†she said.
Given the chance, gusto raw niyang makasama rin sa isang project ang kapatid pero mukhang malabo sa ngaÂyon dahil nga nasa TV5 daw ito.
Mariel ibebenta na ang tambak nasobrang gamit, lilipat na sa bagong bahay na ipinatayo ni Robin
Gawa na pala ang dream house ni Mariel Rodriguez na ipinatayo ng asawang si Robin Padilla located sa Multinational Village, Parañaque City. Malapit lang ito bale sa Alabang, Muntinlupa kung saan naman lumaki ang TV host kapiling ng kanyang lolo at lola.
Matatandaang noon pa ay ipinangako ni Binoe sa lolo at lola ni Mariel na ipagpapatayo niya ito ng sariling bahay at tinupad naman ito ng action star.
Sa ngayon ay nakalipat na ang mag-asawa sa bagong bahay at excited na nga si Mariel sa bago niyang bahay na inspired ang design sa mga bahay sa iba’t ibang bansa sa Europe.
Anyway, dahil sobra-sobra na ang gamit ni Mariel ay nakatakda siyang magkaroon ng garage sale this Sunday, April 28 sa Ayala, Alabang. Ang ilan sa mga item na idi-dispose niya ay tatlong flat TVs, iPad, shoe rack, cabinets, makeups, at marami pang iba.
- Latest