Angel nanahimik sa kanyang birthday
Maganda ang birthday gift na natanggap ni Angel Locsin at ito’y ang pagkapanalo niya sa FAMAS bilang Best Actress kamakailan dahil sa matinding akting sa pelikulang One More Try.
Twenty eight na si Angel kahapon at walang party kundi trabaho lang ang inatupag. May teyping kasi ito sa Toda Max at dun na siya binati ng mga kasamahang artista at production staff.
Umaasa si Angel na mabibigyan siya ng proyekto na ang role niya ay isang psycho killer gaya kay Vilma Santos sa Tagos ng Dugo.
‘‘Mahilig din po ako sa aksiyon at gusto kong gumawa ng action movie dahil may konti naman akong kaalaman sa martial arts,†sabi ni Angel.
Young actor ingat na ingat sa karelasyong young actress
Kilala sa pagiging pabling ang young aktor na ito. Bumilang siya ng ilang nobyang aktres hanggang makilala ang isang young star na bata at wala pang karanasan. Nagtagal naman ang kanilang relasyon.
Sa tagal ng kanilang pagiging magnobyo inamin ng aktor na nagse-sex sila ng young star pero nag-iingat sila para hindi ito mabuntis. Sinabi ng aktor na kung may gugustuhin siyang pakasalan at makasama habambuhay ito’y ang young actress na karelasyon niya ngayon.
Parehong visible sa showbiz ang dalawang celebrities laluna ang aktor na mayroong teleserye.
Kuya Germs binalikan ng mga dating alaga
Ipinagdiriwang ni Kuya Germs ang kanyang 50th anniversary sa showbiz kung saan idinaraos ito kahapon sa Newport Performing Arts Theater.
Malalaking bituin ang mga espesyal na bisita gaya nina Gloria Romero, Nora Aunor, Sharon Cuneta, Janno Gibs, Manilyn Reynes, Dawn Zulueta, at marami pang iba. Hindi lang sila kakanta kundi magbahagi pa ng memorable moments nila kay Kuya Germs.
Magbigay din ng kanilang suporta sa Master Showman sina Dingdong Dantes-Marian Rivera, Regine Velasquez, Mark Bautista, Jolina Magdangal La Diva, at ang Club Mwah Dancers.
Ilulunsad din ang coffee table book titled Kuya Germs: 50 years in Showbiz ng GMA Network bilang pagbibigay pugay sa Master Showman. Magsisimula ang kasaysayan nito bilang janitor at artista sa entablado hanggang maging TV host at star builder.
- Latest