Bea type ni Jack Enrile!
Naging open si Cagayan Congressman Jack Enrile sa paglalahad ng personal life niya sa presscon na ibinigay sa kanya ng itinuturing na niyang kapatid, si Senator ÂJinggoy Estrada. Isa sa inamin niya na five years pa lamang sila talaga nagsimulang mag-bonding ng amang si Senate President Juan Ponce Enrile. Nagising na raw siya na malayo ang ama na ang tingin niya lagi ay a man in authority. Pero nagpasalamat siya na hinayaan siya nito na magkamali sa kanyang mga desisyon, hanapin ang sarili niyang daan at matuto hanggang sa pasukin na niya ang pulitika.
Touching din ang kuwento niya na nagbibilang na ng araw ang 13-year old niyang si Sam kung kailan matatapos ang eleksiyon para makakain na sila nang sabay ng hotdog, turuan siyang magbisikleta sa likod ng bahay nila, makapanood ng sine. Pero kung may madali raw magpalambot ng puso niya, ito ay ang asawang si Sally Santiago na para sa kanya ay ang kanyang anchor. Sa kabila nang nangyari sa kanila, nag-decide raw itong mag-stay sa piling nila kaya ang biro na crush daw niya ang actress na si Bea Alonzo dahil kamukha ng asawa, humahanga raw lamang siya kay Bea pero ang mahal na mahal niya ay ang kanyang asawa. Ang eldest nila ay si Sarah who is 21 at may isa siyang grandson sa anak niya from a previous marriage.
Bakit ang showbiz press ang gusto niyang makausap? Para sa kanya, part na ng family nila ang showbusiness dahil sa kanilang Tita Armida Siguion-Reyna, Irma Potenciano, Chito Ponce Enrile, director Carlitos Siguion-Reyna.
Sa patuloy na pagbato sa kanya ng mga issues na lumang tugtugin na, mas naka-focus siya sa mga platform niya na tungkol sa pagbibigay ng pagkain sa mga kababayan natin dahil ito na ang advocacy niya simula pa ng maging Congressman, ang mapaunlad ang pagtatanim ng palay at iba pang staple food sa kanila sa Cagayan Valley.
Sa pagtanaw ng utang na loob niya kay Sen. Jinggoy promise niya na kahit nasaan ang kaibigan naroon din siya at sana kung nasaan din siya, naroon ang kaibigan niya.
Ginuman dadayo sa Lipa
Nasa April leg na ang Ginuman Fest 2013 ng Ginebra San Miguel at bukas, nasa Robinsons Lipa, Batangas na sila. Magkakasama ang mga endorsers na The Itchyworms, Rocksteddy, Callalily, at si Paulo Avelino. At para sa kanilang 180th anniversary, nakipag-partner din sila sa Bench Body para sa special summer promo nilang Lahing Ginebra Gandang Porma from April to June 30, open sa 18 years old ka-barangays. For more details, mag-log on to www.facebook.com/barangayginebra or call GSM Custo-mer Care Hotline 632-2564.
- Latest