^

Pang Movies

Kim takot nang magtiwala sa kaibigan

Mary Rose Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kakaiba ang glow ng mga mata ng birthday girl ng Kapamilya star na si Kim Chiu ngayon. Ibang-iba ang aura niya ngayon, sexier, blooming, and fiercer ang kanyang dating now that she turned 23 years old. Sa interview sa kanya ng programang The Buzz last Sunday ni Boy Abunda ay naging emotional si Kim sa mga pagsubok na kanyang pinagdaanan lalo na pagdating sa kanyang love life.

 Wala naman siyang pinagsisihan bagkus ay malaki pa rin ang pasasalamat niya sa lahat ng blessings na kanyang natamo all these years.

“Sa ’kin wala akong nire-regret sa mga pinagdaanan ko sa buhay, ni isa, kasi thankful ako na nangyari sa akin ’yun at this early age. Naharap ko sila at nalampasan ko isa-isa kasi ’yung iba darating ’yung problema matanda na sila, so, ako bata pa lang humarap na ko ng mga problema. From my parents, down to my friends and sa lahat ng mga nangyayari sa buhay, and ayun, thankful ako kasi ganito na ako tumayo ngayon,” saad ni Kim.

 Nang pasukin niya ang mundo ng showbiz ay ang kanyang mga kapatid ang naging inspirasyon niya at naging sandalan sa lahat ng pinagdaanan bago narrating ang tagumpay.

Thankful din siya dahil hindi siya pinabayaan ni God na naging lakas niya noong mga panahong may mga pinagdaraanan siya.

Inamin din ni Kim na pagdating sa pakikipagkaibigan ay hindi siya madaling magtiwala sa tao dahil noong bata pa siya ay marami silang lugar na pinaglipat-lipatan kaya naman hindi siya nakapagtatag ng matibay na relasyon sa mga kaibigan.

 â€œHindi kasi ako nagtitiwala masyado sa kaibigan. Kung may pagkakatiwalaan akong kaibigan, isa lang o dalawa lang kasi I’m not used to having a friend kasi sa buhay ko palipat-lipat kami ng lugar, iba ibang cities ako nag-aaral so, I don’t usually have a best friend. Bilang kaibigan ibibigay ko lahat, ikukuwento ko lahat and I’ll treat you like a brother or a sister, ” sambit pa ni Kim.

Samantala, naitanong din ng host na si Tito Boy kung kung paano maging isang girlfriend ang tulad ng aktres.

 â€œâ€™Pag nagiging girlfriend naman, siguro ibibigay ko lahat para ’pag nag hiwalay, ’di ako nagkulang. Para hindi ako ’yung mali. Parang ganun kasi at the end, ’pag natapos ’yung relationship, ay ’di ko ginawa kasi ‘to ’di ko ginawa ’yan. So, for me kapag nag-love ako bubuhos ko na,” sagot ni Kim.

 Napunta na ang usapan sa dating boyfriend na si Gerald Anderson. Umamin naman si Kim na nasaktan siya sa nangyari sa kanila ng kanyang ex-BF pero nakaraan na raw ang lahat ng iyon. Alam ni Kim na may rason kung bakit nagkaganoon ang relasyon nila ni Gerald.

 â€œBut ’yun nga laging nasa isip ko, everything happens for a reason. You won’t meet that person if he has no purpose in your life. He or she has no purpose in your life. Kaya nangyari ’yun kasi it will teach you a lesson,” say niya.  

 As for the lessons she learned in love, sabi pa ni Kim ay ’wag dapat pagsisihan ng isang tao ang nangyari sa kanya, maging malungkot o masaya man ito.

Dagdag pa niya, “’Pagdating sa pag-ibig ’wag mo pagsisisihan lahat ng nangyari. Kasi sa love ’di naman lahat happiness, ’di lahat sadness. ’Yun nga you will always have a lesson in you that you will keep inside ng matagal, na parang after everything that has happened, eto na ’ko.”

 

vuukle comment

AKO

BOY ABUNDA

GERALD ANDERSON

KASI

KIM

KIM CHIU

LAHAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with