^

Pang Movies

Mga kandidatong senador ginawang katawa-tawa nina Pooh at K Brosas!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

You have two more days para mapanood ang pagbabalik sa entablado ng dynamic team ng apat sa itinuturing na pinaka-effective comedy performers, mapa-pelikula, TV show, o stage man.

We are referring to Pokwang, Chokoleit, Pooh, at K Brosas who are featured in 4 Da Best na kasalukuyan pang itinatanghal sa Music Museum. Nagsimulang itanghal ang comedy show April 19 at April 20.

‘‘Happily lahat ng mga nakapanood na are congratulating me. Us. Ayokong sabihin na ako ang the best sa aming apat. As it’s, I’d say, the four of us na naging dahilan talaga kung bakit puwedeng ituring na comedy show ng taon ang 4 Da Best,” sabi ni Pokwang.

‘‘And we all think we owe it to Direk Andrew de Real who did not only directed the show but wrote it as well.”

Swak na swak, sabi naman ni Pooh, ang bawat eksenang mapapanood dahil ang theme na ito ay ang nalalapit na eleksiyon. Kaya pamilyar sa mga nakapanood na at manonood pa lang ang spoof ng bawat members ng cast ay dahil ang ini-spoof nila ay prominenteng kandidato in this election.

Halimbawa nga naman si Pokwang. Common knowledge kung paanong ‘‘kopyadung-kopyado’’ niya si Annabelle Rama, ang pagsasalita nito, ang mannerism, at kahit how she dresses at ‘‘mini-make’’ ang sarili.

At the moment, we all know, that Annabelle is running for a seat in Congress for one of the districts ng Cebu City.

For the first time, ii-spoof din ni Pooh si Cynthia Villar lalo’t doon sa puntong nagbibigay siya ng comment sa mga nurse ng ating bansa na patungong abroad para mag-trabaho.

Ang ginawang iyon ni Ma’am Cynthia ay ikinairita ng maraming nurses kasama na ang kanilang mga magulang at iba pang miyembro ng pamilya.

Hopefully, ang ginawa niyang pag-spoof sa senatoriable will help Ma’am Cynthia win back whatever supposed votes na nawala sa kanya, ani Pooh.

Kay Chokoleit naman, na-assign ang pag-spoof kay Sen. Koko Pimentel at Miriam Santiago. Sa case ni K Brosas, kaabang-abang ang pag-spoof niya sa No. 1 senatoriable, si Loren Legarda.

From K, higit daw na katatawanan ang tiyak na mararamdaman ng mga manonood when all four of them on stage start performing their own interpretation of the familiar salitang pam-pulitika, such as Trapo, Bimbo, Basahan, Pasador.

Kaya the two remaining dates pa na dapat ‘‘habulin’’ para mapanood ang 4 Da Best sa April 26 and 27.

Alex makiki-reunion kay Kean, balikan may posibilidad

Now, if truly Alex Gonzaga will soon join the cast of Banana Nite, where Pooh is one of the featured stars, may pag-asa kayang magkabalikan sila ni Kean Cipriano, dati niyang boyfriend? Kung matatandaan pa, for reasons na ayaw ibunyag ng either sa kanilang dalawa, ay basta na lang nasira ang kanilang magandang relasyon. Kean, for a time now, ay naging mainstay na ng gag show.

Again, wow, ano kaya ang masasabi ni Mommy Pinty, ina nina Alex at Toni, who is quite possessive if not strict with her daughters?

Kung sabagay, balitang may bago nang boyfriend si Alex, isang binatang kamag-anak diumano ng popular cager na si Chris Tiu.

Bukod sa Banana Nite, makakasama rin daw si Alex ni Toni bilang co-host nito at ni Robbie Domingo sa bagong reality singing contest ng ABS-CBN, ang The Voice of the Philippines. May na­ka­takda rin daw siyang teleserye na gagawin for ABS-CBN with Jericho Rosales as her leading man.

Formerly with TV5, pumirma uli ng kontrata si Alex bilang Kapamilya.

ALEX

ALEX GONZAGA

ANNABELLE RAMA

BANANA NITE

CEBU CITY

CHRIS TIU

DA BEST

K BROSAS

POKWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with