Ryzza Mae nagmaktol nang pagtawanan ang passport picture!
MANILA, Philippines - Nagmaktol minsan si Ryzza Mae Dizon sa Eat Bulaga. Napikon siya sa ilang staff ng show na pinagtawanan ang picture niya sa passport. Pero hindi sina Jose Manalo at Wally Bayola ang dahilan ng tantrums ng bagets.
Hindi agad napawi ang pagmamaktol ni Ryzza na hindi na lumabas ng show after niyang maÂpikon. Kinabukasan na siya umapir sa show na masiglang-maÂsigla muli ang dating at wala na sa utak ‘yung nangyari the day before ng pagmamaktol niya.
Kaya naman ‘yung staff na naging dahilan ng pagkabuwisit ni Ryzza ay behaved na ngayon. Mahirap nga naman ‘yung wala siya dahil bukod sa The Ryzza Mae Show niya ay lagi ring inaabangan ang presence ni Ryzza sa noontime show.
Kalaban ni Aga nagbabayad para makakuha rin ng malaking artista
Tapatan din ng malalaking artista sa Camarines Sur. Hindi solo ni Aga Muhlach ang pag-iimbita ng malalaÂking artista na kaibigan niya.
Isang Fuentebella kasi ang mabigat na kalaban ni Aga bilang congressman. Hindi naman naaandap ang incumbent representative dahil kaya naman niyang mag-imbita rin ng malalaking artista.
Sa magaganap na miting de avance sa May 5, dadagsa ang malalaking bituin sa CamSur dahil sa dalawang naglalabang kongresista. Tiyak na masisiyahan pero mapapagod ang taga-probinsiya sa paglipat-lipat ng entabladong pupuntahan.
Direk Dante nakagawa ng TV special para sa mga ordinaryong tao
Hindi tinipid ni Sen. Loren Legarda si Direk Brilliante “Dante†Mendoza sa instructional documentary na Ligtas na itataong ilabas ang senadora bukas bilang Earth Day Celebration. Naging kampante kasi ang senadora sa una nilang collaboration na Buhos na hanggang ngayon ay umaani ng papuri sa pagpapalabas sa mga school.
Gustong ipabatid ni Sen. Legarda sa Ligtas na dapat maging aware ang bawat Pilipino sa kanilang gagawin pagsapit ng mga trahedya gaya ng lindol, baha, landslide, at iba pa. Pati nga first aid tips ay nasa manual na ginawa niya kaugnay ng mga sakunang ito.
Very informative ang manual na Gabay sa KaÂhandaan sa Sakuna at Paunang Lunas na proyekto ni Sen. Loren. Isinasabuhay ni Direk Dante ang mga instruction tuwing merong emergency.
Sa third project ng dalawa, isang full-length film na ang gagawin nila tungkol sa mga climate refugee. Pero kahit busy sa project ng senadora, nakagawa pa rin ng TV special si Direk Dante na Camera Juan na ang bida ay ang mga common tao. (JUN NARDO)
- Latest