^

Pang Movies

Andi panay ang sama sa kampanya ni Erap

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Maganda ang PR (press relations) ni Jake Ejercito, anak ni former President Joseph “Erap” Estrada and now candidate for mayor ng Maynila sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Jake is better known as the ex, but tomorrow might again be the current, ni Andi Eigenmann. But now, of course, Jake insists na friends na lang sila ng aktres. He, likewise, said extra grateful siya kay Andi dahil nag-volunteer nga ang dalagang ina na tulungang mangampanya ang kanyang daddy, si President Erap, bilang kandidato for mayor sa May 13 elections.

So far, dalawang beses na nilang nakasama si Andi ng kanyang daddy sa campaign sorties nito.

In any case, the members of the entertainment press met Jake for the first time sa presscon which his half-brother Sen. Jinggoy Estrada organized para makasalamuha ng ama ang entertainment press. Duma­ting kasi siya after na-wrap up ang presscon for Erap. Nakasabayan niya si Julian Estrada, anak ni Sen. Jing­goy and a new contract talent ng Star Magic na discovery and talent arm ng ABS-CBN at Star Cinema.

Compared kay Jake, mahiyain pa si Julian, although may certain charm siya na tiyak magugustuhan din ng entertainment press. And his would be following.

Sayang daw, according to Jake, na wala na siya ng Pilipinas sa election day. By then kasi he would have left for London, England kung saan nag-aaral siya sa isang university doon ng kursong public administration at mag-i-start na sa May 1.

Asked kung ’di ba pumapasok sa isipan niya na pasukin ang pag-aartista, he quickly replied na hindi raw.

Since after his graduation from high school pangarap niya ang makapag-aral abroad. Happy siya na binigyang katuparan ng kanyang ama ang kanyang pangarap.

Napakatinding eye-opener sa mga taga-Maynila ang TV documentary na ipinapanood ni President Erap sa entertainment press, prior to his formal presscon, which proved a pleasant experience to everyone present. Ilan daw kasi sa kanila ang noon lang nagkaroon ng pagkakataong makaharap sa isang presscon ang dating presidente.

Actually, sa isang dating naninirahan sa Maynila, tulad namin (nasa Quezon City na kami ngayon), napaka-depressing ang revelation na natuklasan namin pagkatapos naming mapanood ang TV documentary.

Noong kasing sa Maynila pa kami naninirahan, sa Maria Clara, kanto ng Dimasalang, tuwing umuuwi kami ng bahay at malakas ang ulan lalo pa at bumabagyo galing sa trabaho from España na baha na rin, ang sinasagasa naming baha ay halos neck-deep. At kung ilang years din itong naging parte ng aming buhay.

Labis-labis ang pasasalamat namin na ang nilipatan naming townhouse in Ermin Garcia, Quezon City ay ’di binabaha.

Pero sa docu na ipinapanood sa amin ng dating presidente, ’di lang baha kung umuulan ang sinasagasa ng mga naninirahan sa iba’t ibang parte ng Maynila kung hindi ang kalunus-lunos na kondisyon ng kanilang lugar.

Napakaganda ang pagbabagong ini-envision ni former President Erap for Manila and its residents if ever he gets elected as mayor. But asked how he will be able to realize this, since three years lang ang ilalagi niya sa puwesto, sabi niya ay urban planning ang pinaka-priority niya. The rest will come. At ang mga ’di raw niya matatapos ay tiyak na tatapusin ni Isko Moreno, incumbent vice mayor ng Maynila, and who he had personally chosen na kanyang ma­ging running mate.

Within the three years daw na naninilbihan siya, he will entice businessmen to invest in Manila kasi he knows na marami sa mga taga-Maynila ang walang trabaho.

Ito raw ang dahilan why maraming nagugutom sa siyudad. At kung bakit rampant din ang krimen sa Maynila.

Ipinapangako niya sa mga taga-Maynila na sa unang taon pa lamang niya sa serbisyo ay may makikita at madadama nang pagbabago ang mga residente.

Asked why he seems determined to win when he can very well enjoy being a retired politician, ayon kay President Erap, in one of his sorties sa lugar sa Tondo, Manuguit, na kanyang sinilangan ay nabagabag daw ang kanyang kalooban nang makita niya ang nabanggit na lugar at ang kondisyon ng mga naninirahan.

“In all my years as lingkod-bayan, I always give priority to the masa. Actually, kahit noong aktibo pa ako sa pag-aartista, alam kong malaking bahagi ang masa kung anuman ang pagkatao at buhay ko ngayon.

“Kaya hanggang kaya ko pang paglingkuran sila, gagawin ko ito ’di lang bilang pasasalamat sa kanila kundi bilang pagmamahal ko rin sa masang Pilipino,” pahayag pa ng tumatakbong alkalde.

ANDI

ANDI EIGENMANN

ERAP

ERMIN GARCIA

ISKO MORENO

MAYNILA

NIYA

PRESIDENT ERAP

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with