^

Pang Movies

May asim na aktres hindi seryoso sa pinakasalan

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Grabeng ma-in love ang isang may asim pang aktres na kahit alam niyang ex-boyfriend ng mga bading ang kanyang kinahuhumalingan ay wala itong pakialam. Hindi raw naman kasi niya pakakasalan kundi titikman lang.

So, no wonder na hindi siya seryoso sa kasal dahil alam niyang hindi naman sila magtatagal.

Sen. Lapid nakipag-reunion kay Lady Grace

Matagal din bago nakumbinsing mag-comeback sa limelight si Sen. Lito Lapid. Feeling niya, pawang mga bagets na lang ang mga naglipana ngayon lalo na sa television. Pero hindi nakatanggi si Lito noong malamang maaksiyon ang gagawin na Little Champ at puwede pa niyang makasama uli ang paboritong si Lady Grace.

Sino si Lady Grace? Siya ’yung white horse na ginagamit niya sa mga nakaraang pelikula na may kasama siyang kabayo. Kuwento ni Sen. Lito, pareho silang balik-telebisyon ngayon.

Aliwan Fiesta ng MBC hindi magaya ng DoT

Bongga ang nakaraang Reyna ng Aliwan (Festival Queen) ng Aliwan Fiesta 2013 ng Manila Broadcasting Corporation (MBC). Si Jamie Herrell ng Sinulog Cebu ang nanalo ng P500k. Ginanap ito sa harap ng Aliw Theater malapit sa Star City sa may Roxas Boulevard, Pasay City at pinangunahan ng event president na si Jun Nicdao at ng MBC owner na si Juan Elizalde.

Ika-apat na taon nang taga-Cebu City ang nana­nalo. Kahit ang celebrity guests na sina Bryan Termulo at Alden Richards ay hindi nakapagsalita sa sobrang admiration sa kagandahan ni Jamie.

Fifteen floats ang sumali ngayong taon, kasama ang mga street dancer ng iba’t ibang bayan. Bakit kaya walang ganitong okasyon ang Department of Tourism o DoT para masaksihan naman ang kagandahan ng Pilipinas? Bakit wala silang katulad ng inumpisahan ng MBC na dinadagsa ng mga nanonood ng taunang parade?

                                                    

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALIW THEATER

ALIWAN FIESTA

BAKIT

BRYAN TERMULO

CEBU CITY

DEPARTMENT OF TOURISM

FESTIVAL QUEEN

LADY GRACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with