^

Pang Movies

Ekstra ni Gov. Vi nanghihingi ng dasal para makapasok sa Cannes

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nai-post sa Facebook Fan Page ng indie film ni Jeffrey Jeturian na Ekstra/The Bit Player na bida ang Star For All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos-Recto na nagpadala ang producers nito ng screener para sa 66th Cannes International Film Festival.

Noong nakaraang Huwebes, naka-post sa naturang fan page na wala pa silang natatanggap na anumang balita mula sa festival programmers kung makakasama ba sa prestigious international film festival ang pelikula ni Gov. Vi.

Pero umaasa nga ang mga taong involved sa naturang indie film na mako-consider ito.

 â€œNo word is ‘good’ for now. It means the movie is still in contention. Announcement is anytime in mid-April.

“Anlapit na nyan…we badly need all the prayers we can muster to storm the gates of heaven.

“She (Vilma Santos) truly deserves to walk the red carpet,” ayon pa sa nag-post sa Facebook fan page.

Official entry sa Director’s Showcase section ng Cinemalaya Independent Film Festival sa July ang indie film na Ekstra.

Kung sakaling makalusot ang pelikula sa Cannes, ito ang pangalawang Cinemalaya entry na matatanggap bago pa man ito ipalabas sa mismong local film festival ng independent films.

Ang indie film na Busong ni Auraeus Solito na pinagbidahan ni Alessandra de Rossi noong 2011 ay natanggap para sa Directors Fortnight section ng Cannes bago pa man nag-debut sa Cinemalaya.

Labis nga raw ang kasiyahan ng award-winning film director na si Jeffrey dahil natupad ang matagal na niyang panalangin na makatrabaho si Ms. Vilma Santos sa isang pelikula.

Nag-post si Direk Jeffrey ng kanyang pinadalang text message sa producer ng Ekstra na si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films.

 â€œPlease thank Ate Vi for me kasi ang laki ng sacrifice niya para lang matapos ‘yung movie in time.

“Record-breaking sa bilis considering her schedule!

“I was a Vilmanian since birth. Ngayon, after working with her, fanatic na ako!

 â€œDati, makapag-direct lang ako ng first film ko, sabi ko, puwede na ‘ko mamatay. Ngayon, nai-direct ko na si Ate Vi, pwede na ako uli mamatay, hehe!”

Isa nga sa mga nirerespeto at hinahangaan na film director si Jeffrey. Halos lahat ng kanyang mga nakatrabahong artista sa kanyang mga pelikula ay nanalo ng mga acting award here and abroad.

Kabilang nga sa mga nabigyan ng acting awards ni Direk Jeffrey ay sina Gina Pareño (Kubrador), Ina Raymundo (Tuhog), Cherry Pie Picache (Bridal Shower), Anna Capri (Pila Balde), Racquel Villavicencio (Bisperas), Julia Clarete (Bisperas), Dante Rivero (Tuhog), Alfred Vargas (Bridal Shower), and the late Nida Blanca (Sana Pag-ibig Na).

Naging aktibo rin si Direk Jeffrey sa pagdirek ng mga TV series sa ABS-CBN tulad ng The Wedding, Rosalka, Juanita Banana, Reputasyon, Mundo Man ay Magunaw, at ang top-rating morning series na Be Careful With My Heart.

ALFRED VARGAS

ANNA CAPRI

ATE VI

AURAEUS SOLITO

BE CAREFUL WITH MY HEART

BRIDAL SHOWER

DIREK JEFFREY

EKSTRA

FILM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with