Maricel tinuruang magtaray si Ryzza Mae
Noong isang araw, talagang sinadya naming panoorin ang show ni Ryzza Mae Dizon dahil ang kanyang guest ay si Maricel Soriano.
Matagal na naming hindi nakikita si Maricel at gusto naming malaman kung ano nga ba ang pagbabago. Natuwa naman kami nang makita siya, dahil kung pagmamasdan mo, parang hindi tumatanda si Maricel. Kung ano ang hitsura niya noong araw, gano’n pa rin siya ngayon.
Lumalaban pa rin naman sa comedy si Maricel. Tinuruan pa nga niya kung paanong magtaas ng kilay si Ryzza kung gustong magtaray.
Ang tawag nila kay Maricel ay “Taray†pero sa totoo lang hindi naman siya mataray talaga eh. Isa nga si Maricel sa pinakamatitinong artistang nakilala namin. Iyon nga lang dideretsahin niyang sabihin kung ano ang nararamdaman niya. Hindi pagtataray iyon.
Pelikula ni Editha, inaasahang makakatulong sa pagkawala ni Jonas Burgos
Happy naman daw si Editha Burgos na ang respetadong aktres na si Lorna Tolentino ang gaganap sa kanyang biopic na ididirek ni Joel Lamangan. Una, sinabi nga niyang mahusay na aktres si Lorna dahil napapanood naman niya ang ilang nagawa noon sa telebisyon at maging sa pelikula. Ikalawa, alam niyang inirerespeto si Lorna sa industriya.
Idagdag mo naman siyempre na iba pa rin ang dating na maganda ang hitsura ng bida. Kung ang lalabas naman kasing bida sa pelikula ay mukhang pindangga na, sino ba ang manonood?
At saka iyon ang mas mahalaga, na malakas pa rin ang hatak ni Lorna sa publiko. Meaning, marami pa rin ang mga nanonood sa kanyang mga palabas. Eh kung ang nakuha nila sa pelikula ay artistang medyo malaus-laos na, ano nga ba ang mangyayari? Hindi lamang flop pero ang pangunahin nilang layunin ay makatulong sa paghahanap ni Editha Burgos para sa kanyang anak ay mawawalan ng saysay. Wala kasing manonood. Kaya nga ayos na si Lorna ang kanilang kinuha.
Para naman kay Lorna, itinuturing niyang mahalagang challenge sa kanya ang pelikula at masasabi nga sigurong iyon ang unang malaking proyekto niya para sa taong ito.
Sa biofilm ni Editha Burgos, siya ang bida at bukod doon ay talagang matinding drama ang kuwento ng pelikula, bukod pa nga sa isang premyadong director, si Joel Lamangan, ang kanyang makakasama sa trabaho.
Si Tirso Cruz III naman pala ang gaganap sa role ng peryodistang si Joe Burgos at tatay ng nawawalang si Jonas.
Kung hindi ay susugurin siya at idedemanda ng misis, Aktres aligaga sa mauutangan dahil sa kasunduang sustento sa pamilya ng bf
Alumpihit sa paghahanap ng mauutangan ngaÂyon ang isang aktres kasi nagbabanta na ang tunay na asawa ng kanyang syota na susugurin siya at ideÂÂdemandang muli kung hindi niya maibibigay ang napagkasunduan nilang sustento sa kanilang paÂmilya kapalit ng pakikisama ng mister sa aktres.
Iyan naman kasing aktres na ’yan eh bakit nga ba hindi pa niya madispatsa ang boyfriend niya? Iyon ang matagal nang dahilan ng kanyang paghihirap at pagbagsak.
- Latest