^

Pang Movies

Wowowillie magbabagong-bihis

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magbabagong bihis ang programang Wo­wowillie. Maraming games na puwedeng pagkakitaan ng mga nasa studio at maging ’yung nasa bahay. Sa halip na tanungin kung sino ang mga hindi nabibigyan ng pamasahe, magkakaroon ng palaro si Willie Revillame.

Matitigok pa yata ’yung mini-concert dahil baka maubusan ng kakantahin ang mga daily singer na napapanood. Pero ang kahilingan ng mga tagahanga ay huwag tanggalin ang portion na Kantanong. Nakakapulot daw kasi ng mga moral lesson ang mga pasaway na manonood na walang appreciation man lang sa pagmamahal sa magulang o kapatid kaya. Nakadagdag din ng inspirasyon sa mga manonood kapag nakakadinig na may mga tao palang mas malungkot sa buhay kaysa sa kanila.

‘Captain Barbell’ ipinamigay ang P50K

Tigil teleserye muna ang dating aktor na si Tony Patawaran. May nai-share pala siya sa amin sa isang kuwentuhan, sa halip daw na gastusin niya ang P50,000 sa kampanya, ang perang premyo niya bilang most outstanding vice mayor sa buong Bulacan, minabuti ng vice mayor  ng Baliuag na i-donate na lang iyon sa mga kawanggawa. Dahil sa pagiging helpful sa mahihirap, Captain Barbell na ang tawag ng mga residente kay Tony.

Magkasama sila sa partido ni Vice Go­vernor Daniel Fernando na kapwa niya taga-showbiz.                                                       

                                            

 

BALIUAG

BULACAN

CAPTAIN BARBELL

DANIEL FERNANDO

TONY PATAWARAN

VICE GO

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with