^

Pang Movies

Jean mamamatay pag humahawak ng ahas

FREELANER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Itinuturing na isa sa maiinit na Kapuso leading lady ang magandang young actress na si Kim Rodriguez na nanalong New Movie Actress sa nakaraang PMPC Awards for Movies dahil sa makabuluhang pag-arte sa Ang Mumunting Lihim.

Ngayon ay ganap na siyang bida sa Kakambal ni Eliana.

Hindi naman takot sa ahas ang aktres at bago sumalang sa taping ay hawak-hawak na niya ito para maging komportable na. Nagkakaisa sa pagsasabi ang mga kasamahang artista laluna na si Jean Garcia na may potensyal ito sa pag-arte at dedicated sa kanyang trabaho.

Puring-puri rin si Kim ang kanyang dalawang leading man na sina Enzo Pineda at Kristoffer Martin at sinabing pareho silang mabait at malambing kaya maganda ang working relationship nila.

Inamin naman ni Jean Garcia na kasama din sa Kakambal ni Eliana na sobra ang takot niya sa ahas. Para siyang mamamatay kapag nahawakan niya ito. Katunayan may ka-double siya nang ihulog sa bangin sa isang eksena na puno ng mga ahas.

Natutuwa siya ngayon bilang host ng isang programa kasama si Manny Pacquiao.

Kinumusta din namin ang anak niyang si Jennica na kasama sa teleserye na  Bukod Kang Pinagpala.

Hindi na siya nakikialam sa love life nito dahil nasa wastong gulang na siya (23 years old).

“Matalinong bata si Jennica at alam niya kung sino ang tamang lalaki para sa kanya — ‘yung mabait at may matatag na  trabaho. May plano na itong mag-asawa sa edad na 26 years old. Tatlong taon na lang, para makita niyang lumalaki ang mga anak,’’ dagdag pa ng aktres.

 

ANG MUMUNTING LIHIM

BUKOD KANG PINAGPALA

ELIANA

ENZO PINEDA

INAMIN

JEAN GARCIA

JENNICA

KAKAMBAL

KRISTOFFER MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with