^

Pang Movies

Jomari nahihirapang makipagbalikan kay Aiko

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa nakaraang launching ni Jomari Yllana ng kanyang Yllana Racing last week, nakita namin kung gaano kaganda ang relasyon nila ngayon ng dating asawang si Aiko Melendez.

Kahit katanghaliang tapat ay talagang dumating ang aktres kasama ang kanyang dalawang anak (na ang panganay ay anak nila ni Jomari) para suportahan ang proyekto ng ex-husband.

Kaya nga natanong namin si Jom kung ano ba talaga ang kasalukuyang nagaganap sa kanila.

“Ah, peace of mind, maturity, respeto but first of all, it’s love for family. ‘Yun lang ‘yun. Hindi man kami magkasama gabi-gabi. Hindi kami magkakasamang matulog, pero sila, magkakasama, it’s love for family,” say ni Jom.

Wala bang chance na talaga na maibalik ang dati nilang samahan tutal naman ay hindi pa naman sila annulled?

“Hindi ko alam, ang hirap sagutin niyan, eh. Pero ngayon ‘yung point na mature na kami, and we enjoy moments together na mas okay. We look forward na magkasama kami to spend time with the family.

“Siguro, maturity lang talaga, pag-intindi sa buhay and values ng pamilya kahit may sablay kami in the past.”

Every weekend daw, he makes it a point na mag-bonding silang mag-anak. At enjoy na enjoy daw talaga siya na makasama ang pamilya lalo pa nga’t nagbibinata na ang anak nila na si Andrei.

Well, who knows, sa bandang huli ay sila pa rin pala.

BeA pinagpapantasyahan ng pulitiko

Hindi man naging artista si Cagayan Cong. Jack Enrile who’s running for senator sa ilalim ng partidong UNA pero malapit ang puso niya sa mga taga-showbiz. Tita niya si Armida Siguion-Reyna (Tita Midz to many of us) who’s very much respected in this industry for the longest time, na kapatid ng kaniyang butihing amang si Senate President Juan Ponce Enrile.

In many occasions ay marami na rin siyang nakasalamuhang mga taga-industriya natin pero dahil sa likas na mahiyain during his younger years, hindi siya masyadong nakihalubilo sa kanila.

Naging kapitbahay niya before si now Batangas Gov. Vilma Santos.

“Nakikita ko siya before - bata pa kami noon. Magkapitbahay kami sa Dasma yata. Cute na cute ako sa kaniya noon - kasi nga, maliit lang si Vilma pero napakaganda ng mukha.

“Ngayon, ang crush ko ay si Bea Alonzo. Marami na akong napanood na movies ni Bea - alam ng wife ko iyan pero hanggang ganoon lang naman ako - humahanga sa ganda at husay niya as an artist,” pahayag ng Senatorial candidate.

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

ARMIDA SIGUION-REYNA

BATANGAS GOV

BEA ALONZO

CAGAYAN CONG

JACK ENRILE

JOM

JOMARI YLLANA

KAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with