^

Pang Movies

Hindi rin buntis ang ina Ai-Ai at Jed hindi totoong kasal na, anak ng komedyante pumiyok

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Kapwa pinabulaanan ng panganay na anak ni Ai-Ai de las Alas na si Sancho at ng isang sobrang malapit sa kanya (Ai-Ai) sa ABS-CBN na nagpakasal nga ang comedy queen at ang kanyang boyfriend na si Jed Salang sa Las Vegas Nevada.

Lalong ‘di raw buntis si Ai-Ai and, of course, Sancho should know since kasama nga sila ng kanyang dalawang kapatid ng kanyang ina at Jed, nang magbakasyon sa Las Vegas.

Ang both inaayunan ng dalawa ay ang malamang na pagpapakasal ng magsing-irog in December. Pero, rito raw sa Pilipinas magaganap ang marangyang kasalan.

Ang totoong kasal sa isang ‘di taga-showbiz,  at totoong buntis na ngayon ay ang komedyante ring si Chariz Solomon. May ginagawa itong project sa kasalukuyan sa GMA 7, where she is a contract talent.

Totoo ring buntis ay ang dating child star na naging Viva Hot Babe, na si Katya Santos. Ito raw ang dahilan kaya madaliang nagpakasal sina Katya at ang kanyang non-showbiz boyfriend. Ayaw daw ng lalaking isilang ang kanilang panganay na wala silang basbas ng kasal.

Tulad nina Ai-Ai at Jed, may kasalan sa simbahan na magaganap kina Katya at ang ama ng kanyang magiging ama.

Meanwhile, balik serye si Katya via the top afternoon series, Little Champ, where she plays leading lady ni Senator Lito Lapid, who is staging a comeback in showbiz.

Another cougar beauty na nakatakda rin sanang pakasal this year is Tiya Pusit. Yes, the comedienne, younger sister of another comedienne, Nova Villa.

Well, how old ang mapapangasawa ni Tiya Pusit? Tumataginting din na 27, tulad ng fiancé ni Ai-Ai na si Jed. His name: Nathan Villa.

Yes, Villa din ang apelyido ni Nathan. Pero, bago tayo magkaroon ng impression na baka kamag-anak sila ni Nova, since Villa nga rin ito, well, ang Villa ni Nova is just a screen surname. Ang tunay na apelyido niya, and, of course, ni Tiya Pusit din ay Villanueva.

Well, with Nathan’s parents’ blessings, Tiya Pusit would have wed Nathan this year. But Tiya Pusit decided na i-postpone it for next year, dahil may brother daw siyang ikakasal.

Venus at Andrei jobless pa rin!

Sabay palang nawala bilang talent ng Umagang Kay Ganda (UKG), early morning show on ABS-CBN, sina Venus Raj, former Bb. Pilipinas-Universe, and her boyfriend Andrei Felix.

Kung sabagay, ‘di lang silang dalawa ang namaalam sa programa, since nagkaroon nga ng pagbabago ang ilang segments ng programa. Kabilang din si Iya Villania, na naalis na rin bilang host.

Hers and Drei’s portion in the show, which was a bit light at entertaining have been replaced with something na, wika nga, sa news and public affairs. Kaya, mga news people na ang assigned dito, sina Atom Araullo at Zen Hernandez, dalawa sa pinaka-popular at mahusay na news reporter ng TV Patrol at Bandila, news program ng Kapamilya.

At the moment, wala parehong bagong assignment sina Venus at Drei. Iya, on the other had, ay posibleng mapanood muli bilang co-host ni Jericho Rosales sa realilty show na I Dare You.

Meanwhile, may bagong titulo na ang Against All Odds, na pagtatambalan for the first time nina Judy Ann Santos at Sam Milby.

Huwag Ka Lang Mawawala ang magiging titulo ng series na magtatampok din kay KC Concepcion.

vuukle comment

AGAINST ALL ODDS

AI-AI

ANDREI FELIX

ATOM ARAULLO

BUT TIYA PUSIT

CHARIZ SOLOMON

DREI

KATYA

NATHAN

TIYA PUSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with