^

Pang Movies

Nasaan si Jonas?

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kamakailan lang, lumabas sa balita ang umano’y litrato ng nawawalang agriculturist at aktibistang si Jonas Burgos. Ang litrato ay kinunan umano ilang araw pagkatapos siyang dukutin ng apat na armadong lalaki sa isang mall sa Quezon City noong Abril 2007.

Nitong Marso ay lumabas ang desisyon ng Court of Appeals na may pananagutan si Army Major Harry Baliaga, Jr. ang Philippine Army at maging ang Philippine National Police ukol sa pagkawala ni Burgos. Pagkatapos lumabas ang desisyon ng Court of Appeals, hiniling ng ina ni Jonas na si Edita sa Korte Suprema na litisin ang mga sangkot na opisyal ng militar. Inutos na rin ni Pangulong Noynoy Aquino ang mas malalim pang imbestigasyon sa kaso.

Ang desisyon ng korte ay ikinatuwa ng mga human rights group at maging ng Commission of Human Rights lalo na’t bihirang may pinapanagot ukol sa mga “desaparecidos.” Ang kaso ni Jonas Burgos ay susubok sa Republic Act 10353 o “Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act of 2012” na kauna-unahan sa Asya.

Si Editha Burgos na nakapanayam ni Mareng Winnie Monsod noong Hunyo 2011 ay magbabalik sa programa upang ilahad ang kanyang mga ginawa upang mahanap ang kanyang anak.

Iniisa-isa rin niya ang mga ebidensiyang kanyang nakalap na magdidiin sa militar sa pagdukot kay Jonas, kasama rito ang pinakahuling litratong kuha raw matapos siyang dukutin. Muling humihiling ang ina ng hustisya sa nawawalang anak at nakiusap sa militar na itigil ang pagtatakip sa tunay na nangyari.

”Nasaan na si Jonas?” Ang tanong na ito ang tatalakayin sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie ngayong Lunes, April 8, alas-diyes ng gabi sa GMA News TV Channel 11.

vuukle comment

ARMY MAJOR HARRY BALIAGA

COURT OF APPEALS

INVOLUNTARY DISAPPEARANCE ACT

JONAS

JONAS BURGOS

KORTE SUPREMA

MARENG WINNIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with