Wendell ginawang nakakaaliw ang isyu sa RH
Sa preview ng indie film na Bayang Magiliw ay naaliw ang entertainment press dahil kahit ang tema ay tungkol sa reproductive health ay ginawang comedy naman ito.
Ginagampanan ni Wendell Ramos ang papel ng isang mayor sa bayan ng Magiliw na kontrolado niya ang buhay ng mga tao. May isang eksena na sa pelikula ay nakikipagtalik ito sa kanyang kabit at nang mahuli ng asawa habang naaktuhan sila sa kama ay kumuha ito ng gulok at hinabol si Wendell.
Bukod kay Wendell, kasama pa rin sa Bayang Magiliw sina G Toengi, Arnold Reyes, at Althea Vega na gumanap na kabit ni Wendell. Malapit na itong ipalabas sa direksiyon ni Gil Portes.
Bagay ang tema ng Bayang Magiliw ngayong panahon ng eleksiyon. Tumatalakay ito sa buhay ng alkalde ng Bayang Magiliw na bukod sa pagiging womanizer ay kino-control pa ang kanyang constituents.
Nang magpunta siya ng Amerika matapos maeskandalo ay inihalal ng taong bayan ang mabait at masipag na barangay captain sa katauhan ni Racquel Villavicencio. Maganda ang pelikula at kapupulutan ng aral.
Akting ni Althea aabot sa Sundance
Alaga ni Direk Manny Valera si Althea Vega na bukod sa potensiyal sa pag-arte ay kayang makipagsabayan sa mga sexy star. Bukod sa ganda ay puhunan din nito ang seksing katawan.
Ilan sa mga proyektong nilabasan ni Althea ay ang Katiwala at Walang Kawala under Joel Lamangan. Ikinararangal ng aktres na mapabilang sa pelikulang Metro Manila na nanalo ng Audience Choice Award for World Dramatic Competition sa Sundance Film Festival sa Utah, USA. Magkakaroon ito ng premiere night sa Sundance Film Festival sa London, England sa April 25-27 at sa France sa June 5.
Tapos si Althea ng mass communication sa University of Perpetual sa Las Piñas. May fallback na siya kapag hindi na lumalabas sa showbiz.
- Latest