Direktor naawa sa aktor nang makiusap na mag-plaster, sandata ikinahihiya sa liit!
Nagpasya si Direk na huwag nang mag-plaster ang parehong kukunan sa isang bed scene. Tinatawag na ang aktor, ayaw pang luÂmaÂbas ng hubo sa kanyang dressing room.
Sa halip ay tinawag niya si Direk at may ipinakita. Nakiusap pa siya na mag-plaster na dahil diyahe siyang i-display ang kanyang duty-free (dyutay) na ari.
Nagdalang-habag ang direktor sa nakita na mas malaki pa ang ari ng bata!
Sportswriter susi sa binawing world champ title ng Pinoy team
Isang sportswriter ang pinangakuang isaÂsama sa U.S. trip ng isang Pinoy team na kaÂkatawan sa bansa sa isang world championship. Naiwan sa biyahe ang peryodista pero nag-champion ang pinadalang grupo!
Sa galit ng writer ay ibinisto niya ang anomalya tungkol sa team. Dahil dito, binawi ang world championship title sa ating koponan.
Mapapanood nating lahat ang buong istorya, tungkol sa sinasabing batik sa kasaysayan ng sports sa ating bansa, sa isang pelikula.
Gelli makiki-anniversary pa sa Face to Face bago mag-babu
Ang bagong timeslot ng Face to Face na 4:30 p.m. ay magsisimula sa kanilang buong linggo ng pagdiriwang, April 8-12, ng third anniversary.
Buong linggo ito ng mga bagong istorya at nakakayanig na komprontasyon. Makakasama pa ng ilang araw ang substitute na si Gelli de Belen bago magbalik si Amy Perez.
Siyempre kasama ang mga original na tagapayong sina Atty. Persida Acosta, Atty. Benedicto Acosta, Fr. Sonny Merida, at Dr. Camille Garcia.
Sa bagong 4:30 p.m. timeslot, marami pang mga bagong rekado ang Face to Face na mapapanood nating lahat sa kanilang third anniversary week starting Monday.
Ang balita, kapag iniwan ni Gelli ang Face to Face, bibigyan naman siya ng sariling show ng Kapatid Network na siya ang magiging host.
Enjoy siya sa pagiging Pambansang Kapitana ng ilang buwan pero handa naman si Gelli sa mga bigger challenge sa kanyang bagong show.
Dina hindi ma-take ang age gap nina Vic at Pauleen
Walang makapipigil sa bibig ni Dina BonneÂvie nang tanungin tungkol sa relasyon ng kanyang dating mister at si Pauleen Luna.
‘‘Masyadong malaki ang age gap. In four years ay senior citizen na siya. But I wish them happiness,’’ say ng aktres.
Puwede pa namang magka-baby si Bossing kahit senior citizen na. Tutal bata pa si Pauleen at tiyak na matagal pa bago mag-menopause.
AiAi matatambakan ng title sa ‘pagbubuntis’
Narinig namin na nine days na delayed ang mens ni AiAi delas Alas. Kaya hindi pa masiÂgurado kung buntis siya.
Kaso ang frog test para malaman kung nagdadalantao ang isang babae, few minutes lang may resulta na. Bakit kaya umabot pa ng siyam na araw si AiAi? Kung sakaling meron nga, maraming mga titulong makukuha tulad ng Birth of the Year, Baby of the Year, at pati na ang Mother of the Year!
El Presidente opening film sa SoHo filmfest sa NYC
Ang El Presidente ang magiging opening film ng SoHo International Film Festival, New York City. Ang nasabing filmfest ay sinimulan ng New York-based Pinoy dancer/actor talent agent, three years ago, with the support of NYC’s mayor’s office and broadcasÂting.
Dadalo sa festival sina Cesar Montano at Direktor Mark Meily.
Nora hindi pumuwedeng mag-Editha Burgos
Si Lorna Tolentino at hindi si Nora Aunor, tulad ng unang nabalita, ang gaganap sa title role ng The Editha Burgos Story ni Joel Lamangan, scripted by Ricky Lee.
Tungkol ito sa misis ng publisher at magiting na peryodistang si Joe Burgos at ang kanilang nawalang anak na si Jonas.
Marahil busy na sa ibang indie project si La Aunor kaya’t pinalitan siya ni LT.
Ginagawa ng Superstar ang Kuwento ni Mabuti at lahok din sa isang indie film festival this July.
Tiyak namang magagampanan ng mahusay ni LT ang papel ng isang matapang na ina at ang kanyang maraming pakikipagtunggali sa buhay.
- Latest