^

Pang Movies

Cesar madaling napatawad ni Sunshine pero walang balikan

- Vinia Vivar - Pang-masa

Matagal ding nag-lie low sa showbiz si Sunshine Cruz kaya naman kontrobersiyal ang kanyang pagbabalik sa pag-arte lalo pa nga’t nagdesisyon siya to make a comeback after her separation with husband, Cesar Montano.

Ang Dugong Buhay ng ABS-CBN ang first come­back project ni Shine at pinagbibidahan ito nina Ejay Falcon at Arjo Atayde. Gagampanan ng aktres ang ina ng dalawang young actors.

Nagkaroon ng presscon ang teleserye last Wed­nes­day night kung saan ay isa nga sa dumalo si Sun­shine. Natanong ang aktres kung bakit siya na-con­vince na tanggapin ang Dugong Buhay bilang comeback project.

“ABS-CBN ’yan eh. Sino ba naman ang hindi mag-o-oo? And of course, it’s a great opportunity for me to work with lahat po ng artistang nandito at kay Direk Toto (Natividad) at sa gawa ni Direk Carlo J. Caparas na naging mentor ko rin before when I was 17,” she answered.

“So, it’s a great honor that I was chosen to play the mom of Arjo and Ejay dito sa Dugong Buhay.”

Bagama’t may cameo si Sunshine sa Be Careful With My Heart bilang yumaong asawa ni Sir Chief (Richard Yap), sandali lang naman iyon at ito talagang Dugong Buhay ang maituturing niya talagang comeback project.

“Thirteen years na nag-lie low ako. I would do some guestings lang sa mga teleserye. Ito ’yung una ulit after a while na regular ko,” she said.

As we all know, dati ay naka-concentrate lang si Shine sa kanyang mister na si Cesar Montano at tatlong anak. Pero ngayong hiwalay na sila, of course, ay kailangan naman niyang kumayod para magkaroon ng sariling income.

Sa presscon ay hindi maiwasang mapag-usapan ang bagong buhay ngayon ni Shine at ang posibilidad na pagbabalikan with Buboy. Umiiwas siyang sagutin ang tungkol sa reconciliation pero nilinaw naman niyang hindi niya ipinagdadamot ang mga bata sa kanilang ama.

    “And I’m proud to say that Buboy is a very, very good parent to our children. Kaya bilang ganun na mabuting ama siya, wala akong karapatan na ipagdamot sa kanya ang mga anak ko kasi hindi ako ganung tao,” she said.

Hindi ba nagkaroon ng galit ang mga bata kay Cesar?

“There was a time na nagkaroon sila ng konting hinanakit kasi nakakapagbasa na ‘yan, naggu-Google na ‘yan. It’s really hard to explain so I told them to ask their daddy about it kasi ano ang gagawin ko? Sisiraan ko?

“Hindi ako gano’n. I’ve never been that way. Though minsan, nag-i-snap tayo. Nagagalit tayo at nagpo-post tayo ng kung anu-ano. But I think karapatan ko ‘yon bilang asawa dahil kahit sino ‘yon eh ganoon ang mararamdaman,” pahayag ni Shine.

Nakapagpatawad na ba siya?

“Siguro nga kaya nakakangiti ako at masaya ako ngayon, nakapagpatawad na tayo,” she revealed.

Sa kabila ng nangyari, masasabi ba niyang na­ging mabuting asawa sa kanya si Buboy?

“He is very generous and he’s a sweet person. Kaya lang, lahat naman tayo, sa totoo lang, lahat bilang tao, may weakness,” sabi ng aktres.

Sa tanong kung bakit tila yata naging madali para sa kanya ang pagpa­patawad, say ng aktres, “Kristiyano tayo eh. Mahirap magtanim ng sama ng loob. Dadami wrinkles natin diyan.”

Is love still there?

“Of course, kapag ang isang tao minahal mo, you want what will make him happy. Kung ano ang makakapagpasaya sa kanya, kung saan siya masaya. So let it be.

“The love, I will not deny that he’s my first boyfriend, my first everything. So, ang pagmamahal na ‘yan, kahit naman sa kanya sinabi ko it will always be there. Hindi mawawala ‘yan kasi talagang minahal mo at marami kang isinakripisyo para sa taong ‘yon.

“Kahit pa siguro magkaroon pa kami ng iba’t ibang buhay, nandiyan ’yung pagmamahal ko sa kanya dahil siya ang tatay ng mga anak namin. At kamukhang-kamukha niya ang bunso naming anak. Mayroon akong little Buboy na babae,” sabi pa ni Sunshine.

Hiningan din ng reaksiyon ang aktres tungkol sa latest pronouncement ni Krista Miller na gusto siyang makausap nito at umiwas na siyang sagutin pa.

“’Yung Dugong Buhay, maganda. Panoorin n’yo on April 8,” nakangiti niyang tugon saka nagpaalam na sa mga umiinterbyu sa kanya.

   

 

ANG DUGONG BUHAY

ARJO AND EJAY

ARJO ATAYDE

BE CAREFUL WITH MY HEART

BUBOY

BUHAY

BUT I

CESAR MONTANO

DUGONG BUHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with