Bagong superheroes ng Hero TV mas paiinitin ang summer
MANILA, Philippines - Mas mainit na summer ang dala ng Hero TV ngayong Abril sa paghahatid ng mga bagong animé na mas pinasiksik sa superheroes at adventure.
Una na sa listahan ng mga bagong programa ang hit animé series na Kyo Kara Maoh, na tungkol sa paglalakbay ni Yuri Shibuya sa lumang panahon mula sa 20th century kung saan kikilalanin siyang susunod na hari at itatakda pang magpakasal sa babaeng hindi niya kilala. Mapapanood na ito sa Abril 12, 9:30 p.m. na may replay ng 12:30 a.m., 3:30 a.m., 10:00 a.m., at 4:00 p.m.
Nagbabalik naman si Naruto upang ipagpatuloy ang laban at pagsugpo sa kasamaan sa Naruto Shippuuden Season 5 na ipapalabas ng marathon tuwing Sabado simula Abril 13 sa oras na 12:00 a.m., 12:00 p.m., at 9:00 p.m. Patuloy din ang paglutas ni Ichigo sa mga misteryong nagaganap sa soul society sa Bleach Movie, na mapapanood sa Abril 7 at 21, 12:00 a.m., 12:00 n.n. at 9:00 p.m.
Kabilang din sa mga new title Power Ranger Super Samurai, na tungkol naman sa mga Samurai Rangers na tagapagligtas ng sangkatauhan na ipapalabas sa Abril 25, 8:00 p.m. na may replay ng 2:00 a.m., 8:00 a.m., at 2:00 p.m.
Siguradong kakapanabikan din ang pagbabalik sa telebisyon ng Ceres, Celestial Legend, Kiba, Kyoshiro, and the Eternal Sky, Major Season 1, Michiko and Hatchin, Mirmo De Pon Season 2, at Overdrive.
Ibabahagi rin ng Hero TV ang ilang orihinal na likha ng mga Pinoy animators sa I-animate tampok ang animations nilang Kaleh at Mbaki, at Marianing.
Samantala, mapapanood sa Dubber’s Cut ang mga voice actor sa likod ng Kyo Kara Maoh. Alamin kung saan sila humuhugot ng tamang emosyon para sa dramatic scenes ng animé.
Abangan ang paborito niyong superheroes at mga bagong idolo sa Hero TV (SkyCable Channel 44), ang numero unong animé cable channel sa bansa. Para sa mga updates at airing schedule, bumisita sa official website nito na www.myheronation.com.
- Latest