Aktres dinadagdagan ng pananakit ang mga eksena kapag inaabot ng topak
Umaandar muli ang topak sa utak ng magandang aktres. Basta na lang kasi niya ginagawa ang mga bagay na wala naman sa script. Lalo pa’t ang kanyang kaeksena ay nagpakita ng disgusto sa pagiging late o cause of delay ng glamorosa.
Minsan, tinapunan niya ng putik sa mukha ang kaÂsama sa eksena na kahit sa guni-guni ng scriptwriter ay wala! Minsan naman binato niya ang bunch of flowers (kahit nga walang tinik) sa mukha ang kasama sa isang tagpo.
Naku po, utang na loob. Huwag maglalagay ng mga kutsilyo o kahit anong matatalim na bagay kapag take ng loka. Baka makapatay siya ng mga inosenteng biktima!
Paninira kay Sen. Chiz wa epek na
Tulad ng sinabi namin, mahirap nang tibagin sa winners circle si Chiz Escudero dahil nasa No. 2 position siya, kasunod ni Sen. Loren Legarda na consistently No. 1.
Kung sino man ang gustong sumira sa kanyang chances of winning, wala na kayong magagawa kahit mag-trying very, very hard. Bumababa nga siya sa No. 3 slot pero panalo pa rin at malayo pa sa No. 13 na simula ng bilang ng mga luz valdez!
Kahit siguro ilang pares pa ng mga magulang ng artista ang magpahayag ng mga negatibong bagay kay Chiz, wa epek na this time. Sana noon pa ninyo ginawa na malayo pa ang eleksiyon. Baka sakali pang hindi masayang ang pagod ninyo.
Kaya naman si Heart Evangelista, relaxed lang, alam niyang magiÂging misis siya ng senador kapag na-annul na ang kasal ni Chiz sa kanyang dating misis, na ipinagtanggol pa siya at ipinasinungalingan ang mga maling paratang sa dating mister.
Late na po kayo. Try again next election!
Synchronized swimming na ginawa ng dating aktres sa Dead Sea pinaka-wagi!
Sa mga nagbakasyon this Holy Week, ang feeling namin na pinaka-espesyal ay ang synchronized swimming ng model/former TV actress na si Bessie Badilla sa Dead Sea, Jordan.
Well patay ang dagat! Lumulutang kaya ang mga tao roon sa tubig na madalas na nabanggit sa Bibliya.
Si Buhawi Meneses sa Hollywood, California nagbakasyon. Sana wala nang nasirang hotel. Noon kasi sa Fullerton Hotel ng Singapore, where we were booked several times, nawasak ni Buwi ang buong malaÂking dresser sa kanyang room. Binayaran niya lahat ang damage bago sila pinaalis sa magarang hotel na dating post office.
Ang mala-sirenang si Mara Lopez, nag-enjoy sa isang beach sa La Union. Champion diver ang kanyang Japanese dad kaya’t mahilig din sa beaches si Mara tulad ng kanyang mamang si Maria Isabel Lopez.
Ang mag-inang Zsa Zsa Padilla at Zia Quizon, sa Ho Chi Minh City, Vietnam namasyal. Both of them enjoyed the sights and a lot of shopping.
Marami ring mga artista na nasiyahan ng husto sa paglangoy sa Baler Beach sa probinsiya ng Aurora. Maganda ang tanawin doon lalo na sa dagat na harapan ng Pacific Ocean.
AiAi dadayuhin ng team ng Ripley’s Believe It or Not
Mukhang parating na sa bansa ang isang team ng Ripley’s Believe It or Not dahil nakarating na sa kanila ang balitang nagdadalantao si AiAi delas Alas.
Tila alam nila na medically or scientifically ay hindi na puwedeng magbuntis ang comedienne. Ewan ko lang kung talagang hindi pa siya nagme-menopause. Malalagay na naman ang ating bansa sa mapa ng mga himala!
Posible dahil madasalin at matulungin sa mga simbahan si AiAi!
Dionne Warwick hindi na kayang makabili ng damit kahit na $10 lang
Kawawa naman si Dionne Warwick na nag-declare ng bankruptcy dahil hindi makabayad ng back taxes. Noong kasikatan niya at bibili siya ng mga blusang tig-US$100, ayaw siyang lapitan ng mga saleslady dahil mukhang can’t afford siyang bumili ng ganoon kamahal na damit.
Sa ngayon, kahit na $10 ang price tag sa mga sale item ay hindi na kaÂyang bilhin ng paboÂriÂtong siÂnger ni Burt Bacharach.
- Latest