^

Pang Movies

Kahit Sabado de Gloria: Movie nina Sarah at John Lloyd nag-level up, pinipilahan nang ipalabas kahapon

- Vinia Vivar - Pang-masa

As we write this, kasalukuyang super haba ang pila sa mga sinehan nationwide sa John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo third big screen team up na It Takes a Man and a Woman. Nagbukas kahapon ang nasabing pelikula at kahit Black Saturday, hindi talaga napigil ang mga tao na lumabas at manood sa first day of showing.

Ayon kay Direk Cathy Garcia-Molina na siyang direktor ng pelikula, ang Part 3 ng love story nina Laida (Sarah) at Miggy (John Lloyd) ay “level up” version ng first two installments ng series.

“Iba na ‘yung level ng kilig ng part three. It’s not about the same girl who’s giggling over her crush. Sa part three, we’ve taken it a notch higher na hindi lang basta kilig,” say ni direk.

“Dito, natuto na sina Laida and Miggy kung paano magmahal. Kaya ‘yung kilig dito, hindi na nanggagaling sa pa-cute. Mas kikiligin ka kasi alam mong mahal na nila ‘yung isa’t isa in the true sense of love.” 

Dagdag pa ng box-office director, bukod kina Laida at Miggy, maging ang mga bidang sina Sarah at John Lloyd ay nag-level up na rin bilang mga indibidwal.

“Dati kulitan lang nang kuli­tan at talagang med­yo petty ang mga pi­nag­kikuwentuhan nila, anything that would make them laugh. Ngayon, meron ng sense ang pinag-uusapan nila — may about love, how to love a person, how to keep a relationship,” sabi ng direktora.

Higit sa box-office success, ipinagmamalaki ni Direk Cathy kung paano niyakap ng moviegoers ang kuwento at mga karakter ng kanilang pelikula.

“Nakakatuwa na nakapagbigay pala tayo ng ganoong klase sa audience na paulit-ulit na pinanonood at hanggang ngayon ay napapakilig pa rin sila. I believe Miggy and Laida provided happiness and entertainment to the audience, and made them believe in love and kilig,” she said.

By the way, Graded A ng Cinema Evaluation Board ang It Takes a Man and a Woman. 

Empress tinatawanan lang ang pagiging rebelde

Natatawa na lang si Empress sa intrigang nagrerebelde siya sa kanyang pa­rents kaya pumayag siyang maging cover girl at bikini babe ng FHM for the month of March.

Ayon sa dalaga, may permiso ng magulang ang pag-pose niya for FHM kaya paano raw naging pagrerebelde ’yun?

Besides, say pa niya, wala naman siyang makitang masama sa ginawang pagbi-bikini dahil hindi naman daw sexy ang pagkakalatag at may pagka-wholesome pa rin.

May intriga pang baka raw may ipinaretoke siya sa kanyang katawan at tinawanan din ito ng young actress. Aniya, wala siyang pinagagalaw sa kahit anong part ng kanyang body.

Anyway, malapit na siyang mapanood sa kanyang next soap sa ABS-CBN, ang Against All Odds with Judy Ann Santos, Sam Milby, and KC Concepcion. Susubukan naman siyang ipareha sa ibang leading man — kay Joseph Marco.

Excited na si Empress sa bagong serye dahil medyo matagal-tagal na ring wala siyang regular soap.

AGAINST ALL ODDS

AYON

BLACK SATURDAY

CINEMA EVALUATION BOARD

DIREK CATHY

DIREK CATHY GARCIA-MOLINA

GRADED A

IT TAKES

JOHN LLOYD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with