^

Pang Movies

Kuya Germs ipinangako ang pamamanata sa Mahal Na Birhen ng Santo Rosario habang nabubuhay

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagsimula kami ng aming Semana Santa sa pagtungo sa simbahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario sa Manaoag, kasama si Kuya Germs at ang staff ng kanyang show na Walang Tulugan. Taun-taon naman ay talagang ginagawa ‘yan ni Kuya Germs, at nangungumbida siya ng mga kaibigan sa press na gustong sumama sa kanyang pilgrimage.

Masaya ang lakad na iyon, alam naman ninyo si Kuya Germs. Pagkatapos magsimba, akala mo hindi mahal na araw eh, kasi ang dami niyang pagkaing ipinahanda. Hindi ba ang nakaugalian nga natin, basta mahal na araw bawas pati pagkain na parang ginagawang sakripisyo rin. Pero para kay Kuya Germs parang fiesta ang Lunes Santo, dahil iyon ang taun-taon niyang pakikipag-date sa Birhen ng Manaoag.

Nagsimula ang lahat noong panahon pa ng That’s Entertainment. Noon nga, dahil sa rami ng mga members ng That’s… umaabot sila ng limang bus. Ngayon isang bus na lang. Pero sinasabi nga ni Kuya Germs na patuloy niya itong gagawin dahil nadarama niya ang pangangalaga sa kanya ng Mahal na Birhen. Sa kanyang edad nga naman, isipin ninyong wala siyang sakit. Minsan nakakadama lang ng pagod, o kaya sinisipon din pero hanggang ganoon lang. Iyon ang isa sa mga bagay na ipinagpapasalamat niya sa Mahal na Birhen.

Sinasabi niya, ang pananatili rin ng kanyang career ay pinaniniwalaan niyang biyaya ng Diyos, at kaloob din ng Mahal na Birheng Maria. Isipin nga naman ninyo, iyong mga kasabayan niyang shows noong araw, nawala nang lahat. Siya nagpapalit lamang ng show pero nananatili pa rin naman ang kanyang programa sa radio at telebisyon. Kahit na nga hatinggabi na ang kanyang show, ma­rami pa rin ang nanonood, at hindi nga maikakailang iyon ang banner program ng Pinoy TV ng GMA 7 sa abroad. Sa dinami-rami ng shows nila, iyong show ni Kuya Germs ang talagang hinahanap ng mga manonood sa abroad.

Kaya ang sabi nga niya, iyang pagpunta sa Manaoag tuwing Lunes Santo ay isang panata na gagawin niya habang siya ay nabubuhay,

Cesar at Sunshine nagkasundo sa graduation ng kanilang anak

Nakakatuwa naman ang attitude nina Cesar Montano at Sunshine Cruz. Kamakailan lamang ay nakipaghiwalay si Sunshine sa kanyang asawa, at sinasabi niyang siguro tama na ang 13 taon ng kanyang pagtitiis. Inaamin niyang mahal pa rin niya si Cesar pero may mga bagay silang hindi napagkakasunduan talaga.

Pero noong graduation ng kanilang anak, magkasama silang dalawa. Sinasabi nga ni Sunshine na kung may differences man sila ni Cesar, hindi naman dapat madamay ang kanilang mga anak. Hindi siya kagaya ng iba na matapos mahiwalay sa asawa, pinagbabawalan ang ama mismo ng kanilang mga anak na lumapit sa mga bata.

Aktres-aktresan nagsinungaling sa karelas­yon kahit Holy week, hindi ipinaalam na kasama sa Baguio ang karelasyong tomboy

Malakas ang aming kutob, hindi alam ng non-showbiz boyfriend ng isang female star na paminsan-minsan ay nakikipagkita pa rin iyon sa mga kaibigan niyang tomboy. Sideline pa rin daw iyon ng aktres-aktresan. Kagaya ngayon, nagpaalam daw ang aktres-aktresan sa kanyang boyfriend na ibabakasyon niya sa Baguio ang kanyang pamilya for Holy Week. Pero hindi niya sinabi na kasama rin niya ang syota niyang tomboy. Bakit kaya ganoon?

 

vuukle comment

BIRHEN

KANYANG

KUYA GERMS

LUNES SANTO

MANAOAG

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with