^

Pang Movies

John Lloyd nanghihinayang pa sa mga kikitain kaya nag-iba ng desisyon!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Binawi na ni John Lloyd Cruz ang pahayag na balak na niyang tumigil sa pag-aartista habang bata pa siya.

Ang kanyang bagong statement, nadala lang siya ng character na ginampanan niya sa It Takes a Man and a Woman, kung saan binuhay muli ang characters nina Miggy (John Lloyd) at Laida (Sarah Geronimo).

Kasi naman, sobrang intense ang pag-arte ni Lloy­die at tunay na binubuhay niya sa harap ng camera ang role na ginagampanan.

Sigurado, nakuwenta na rin ng leading actor ang malaking halagang kanyang kikitain sa pagpa­patuloy ng kanyang acting career. Puwede pa siyang magpatayo ng maraming magagarang bahay, baka isang magarang resort kakayanin na niya; at mag-establish pa ng malalaking negosyo.

Sa malilikom niyang milyones na income in the near future, puwedeng si John Lloyd Cruz ang ma­ging isa sa richest actors in town. Sa bonus pa lang na tatanggapin niya from the forthcoming blockbuster It Takes a Man and a Woman baka makabili siya ng isa pang expensive property.

Aga at Charlene walang palya sa Seven Last Words

Bilib kami sa mga taga-showbiz na pamilya na ang sentro ng observance of Holy Week. Sa halip na magkaroon ng solong lakad at mag-join sa mga gawain walang pangilin sa mga Mahal na Araw, nagkakaisa na ang kanilang mga pa­milya at sama-sama sa mga banal na gawain sa panahon ng Kwaresma.

Nauna nang nagpahayag sina Richard Gutierrez and family na silang lahat ay nasa Cebu, City kasama pa ang dalawang anak ni Ruffa Gutierrez.

Sina Aga at Charlene Muhlach, kasama ang kanilang mga kambal na sina Andres at Atasha, sa kanilang bahay sa Alabang maglalagi mula Bi­yernes Santo hanggang Pasko ng Pagkabuhay.

Gusto ng mag-asawa, malaman agad ng kanilang mga anak ang kabanalan ng Holy Week at ang wastong mga gawain sa panahong ito. Tulad ng ibang Katoliko, laging pinakikinggan nina Aga at Charlene ang Seven Last Words sa TV tuwing Biyernes Santo.

Gusto rin ni Aga na makapiling ang mga kababayan niya sa fourth district ng Camarines Sur kahit ilang araw ng Holy Week.

Lolo Tony Bennett excited na kay Lady Gaga

Magkakaroon ng bagong duet sina Tony Bennett (80 years old) and Lady Gaga (26), pagkatapos silang magkasama sa Grammy-winning Lady is a Tramp, isa sa cuts ng Duets CD ng beteranong singer.

Excited na ang lolo na muling makasama sa loob ng recording studio ang pop queen, na ang puri ni Tony ay “a great person and wonderful talent.” Isang big swing album ang gagawin ni Bennett at tiyak siyang babagay ang magandang tinig ng ka-partner sa mga kantang napili na nila.

John nala­labuan pa rin sa ginawa ni Jason

Umiiyak pang hu­mi­ngi ng tawad si Jason Francisco sa pagkasuntok niya sa mukha ng kaibigang John Prats sa rehearsal ng Banana Split sa Music Museum. Napanood ang luhaang paghingi ng paumanhin sa mga TV news show.

Ang sabi, napikon si Jason sa pang-aasar ng ka­sama sa show pero hanggang ngayon ay malabo pa kay Prats kung ano talaga ang dahilan at sinugod siya ni Jason. Never nga naman siyang nanligaw kay Melai at wala silang naging romantic relation!

Aktres nag-panic nang umabsent ang suking makeup artist, mga lihim na peklat mula mukha hanggang katawan takot ipakita sa iba!

Kaya pala ayaw ng isang make-up ar­tist ang isang aktres ay marami siyang mga peklat mula sa mukha hanggang bu­ong katawan. Ang kanyang permanent na taga-ayos ang nakakaalam at mahusay mag-conceal ng mga nasabing “map all over the globe”.

Nagtitili ang artista nang absent ang ex­pert make-up artist sa pictorial. Gusto niyang i-postpone ang photo shoot. Ayaw ni­yang mabunyag ang tunay niyang ganda sa ibang taga-ayos. Nandoon nang lahat ng taong ka­sali sa pictorial pati ang mahusay at ma­ma­haling photographer.

Buti’t nakumbinsi siya ng humaliling ba­ding na kaya niyang gawin ang ginagawa ng permanent na taga-ayos ng aktres dahil best friend niya ang favo­rite ng aktres at nasabi ng lahat sa kanya ang kaila­ngan at lihim ng artista.

Lenten presentations nakahilera sa EWTN

Maraming nakalinyang Lenten pre­sentations sa EWTN (Eternal World Te­levision Network) this Holy Week. Ang ilan ay mga bagong gawang film tungkol kay Jesus Christ at meron din namang mga classic na gusto nating ulit-ulitin.

Tune in to the Catholic network at doon mapapa­nood ang mga special na Seven Last Words at Renewal of Baptismal Vows sa Easter na si Pope Francis ang magmi-misa.

BANANA SPLIT

HOLY WEEK

IT TAKES

LADY GAGA

SEVEN LAST WORDS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with