^

Pang Movies

Ex-wife ni Chiz nagsalita na, umapelang tigilan na sila!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi nagsalita ang ex-misis ni Sen. Chiz Escudero nang maghiwalay sila kaya marami ang nagulat nang mag-issue siya kahapon ng statement.

Hurt na hurt na kasi si Christine Flores sa mga tsismis na naririnig niya na walang katotohanan. Lalaki at babae ang kambal na anak nina Papa Chiz at Tintin. Nakakaintindi na ang mga bagets dahil matatalino sila kaya pinoprotektahan sila ng todo ng kanilang mga magulang.

Heto ang appeal ni Christine sa publiko na nagdadawit sa kanya at sa mga anak nila ni Papa Chiz sa kontrobersiya na wala silang kinalaman.

“The recent issues involving my former husband and Ms. (Heart) Evangelista and her parents have been very disturbing for me and my children. I am sincerely appealing to all concerned to please res­pect my privacy and that of my children.

“Whatever differences Chiz and I had in the past has nothing to do with that, and the false accusation about me being physically abused by him is definitely NOT TRUE.

“I don’t think he can ever do that to anyone. I am saddened by the fact that this whole thing has turned into a media circus, thus affecting and hurting people who are not involved.”

Daniel suportado sina Chiz at Heart

Mabilis na kumalat noong Sabado ng gabi ang balita na nagtagpo sa isang event sa Taguig City sina Papa Chiz, Heart, at ang ex-boyfriend nito na si Daniel Matsunaga.

Nag-shake hands daw ang tatlo nang magkita-kita. Nagpista ang mga usisero sa eksena na na-sight nila dahil si Papa Chiz ang naging kapalit ni Daniel sa heart ni Heart.

Iniyakan ni Daniel ang breakup nila ni Heart na isa lang ang dahilan, hindi rin boto sa kanya ang mga magulang ng aktres. Nagbakasyon lang si Daniel sa Brazil, pagbalik niya ay hiwalay na sila ni Heart. May tsismis pa na nakakatanggap siya noon ng mga pananakot pero hindi malinaw kung mula kanino.

In fairness kay Daniel, positive ang mga sinabi niya tungkol sa  kaguluhan na nangyayari sa love life nina Papa Chiz at Heart. Kinampihan niya ang dalawa dahil nagkaroon din siya ng similar experience noong girlfriend pa niya si Heart.

Christian babad na babad sa Party Pilipinas

Mainit ang welcome kahapon kay Christian Bautista sa Party Pilipinas. Gumawa pa ng hugis X na stage ang production designer ng Party Pilipinas dahil X ang symbol ng first letter ng name ng nag-ober da bakod na singer-actor.

Babad na babad din si Christian sa stage dahil sinulit ang first Sunday niya sa Party Pilipinas.

Sinamahan si Christian ng kanyang mga magulang na present sa audience gallery. Kinilig ang fans sa pag-eeklayan ni Christian at ng kanyang ex-girlfriend na si Rachelle Ann Go. Alam ng mga panchita na may iba nang karelasyon si Christian pero bentang-benta pa rin sa kanila ang biruan ng ex-lovers.

Na-miss nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez ang grand welcome kay Christian dahil naglalam­yerda sila sa Amerika, kasama ang anak na si Nate. Looking forward si Christian sa pagbabalik ng mag-asawa para matupad na ang kanyang pinapangarap na production number sa Party Pilipinas. 

 

vuukle comment

CHIZ

CHIZ AND I

CHIZ ESCUDERO

CHRISTIAN

CHRISTIAN BAUTISTA

HEART

PAPA CHIZ

PARTY PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with