Heart tuloy ang trabaho, Mrs. Ongpauco desperado na!
Nakakakilabot naman na sa desperation ni Mrs. Baby Ongpauco para bumalik na sa kanila ang anak na si Heart Evangelista, tinatakot na niyang kung mamatay ang daddy ay wala siyang ibang sisisihin kundi ang anak. Marami palang gimik itong si Mrs. O na walang sawang nagpi-feed ng mga statement niya sa TV at media.
Tuloy naman si Heart na nagri-report sa taping ng Forever dahil magho-Holy Week break at matatapos na sila sa April 12. Mukhang hindi naiisipan ni Mrs. Ongpauco na i-harass si Heart sa taping.
Sundin naman kaya ni Sen. Chiz Escudero ang advice ni Sen. Miriam Santiago na makipagbati at ligawan ang parents ni Heart matapos nilang lait-laitin ang kanyang pagkatao?
Erik Santos nagulat sa paglayas ni Christian Bautista
Sa mas magandang balita na tayo. Isang big welcome ang gagawin kay Christian Bautista sa pagpasok nito sa Party Pilipinas Love Summer mamayang 12:15 p.m. sa GMA 7. Excited ang ShiNians (Shing for Rachelle Ann Go at Nian for Christian) sa paglipat na ito ni Christian dahil nami-miss na nilang makitang magkasama ang kanilang mga idolo na dating mag-sweetheart.
Sa three-year contract ni Christian sa GMA Network, kasama raw ang pagiging co-host din nito sa Eat Bulaga at pagganap sa mga drama series. May balak na isama si Christian sa Indio ni Sen. Bong Revilla, Jr. na mortal love interest ni Diwata Libulan (Rachelle Ann).
Maraming song numbers si Christian at isa rito ang top hit niyang The Way You Look at Me at duet with Rachelle Ann at song number din with Mark Bautista na excited sa paglipat ng kaibigan.
How true na nagulat si Erik Santos sa paglipat ni Christian sa Kapuso Network? Sa mga champion noon na magkakasama sa ASAP, bale si Erik na lamang ang naiwanan dahil si Sarah Geronimo naman ay paminsan-minsan na lamang sa show. Tulad mamaya na magpo-promote sila ni John Lloyd Cruz ng kanilang movie na It Takes a Man and a Woman na showing na sa Holy Saturday, March 30.
Rocco nakikipagsabayan na kay Pen Medina
Nakikipagsabayan na ng acting si Rocco Nacino sa beteranong actor na si Pen Medina as they portrayed their roles sa Bayan Ko: Edukasyon, isang political drama na tamang-tamang panoorin ng mga botante sa nalalapit na elekÂsiyon. Si Rocco ay si Mayor Joseph Santiago na gustong mabago ang kanilang bayan na sinisikil ni Governor Antonio Rubio sa pamamagitan ng maraming katiwalian.
Napapanood ito ng 6:30 p.m. sa GMA News TV at ipalalabas din sa GMA 7 tuwing Biyernes bago ang Bubble Gang hanggang sa bago dumating ang eleksiyon sa May. Kasama rin sina LJ Reyes, Mercedes Cabral, Maria Isabel Lopez, Love Añover, Betong Sumaya, at Angeli Bayani, sa direksiyon ni Adolph Alix, Jr.
- Latest