^

Pang Movies

Kaya iiwan ang showbiz Kris kakandidatong presidente sa 2016?

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang haba-haba ng interbyu ni Ted Failon kay Kris Aquino sa TV Patrol noong Huwebes.

Pinahanga uli ako ni Papa Ted dahil sa kanyang mga question na makabuluhan. Diretso ang kanyang mga tanong, walang paliguy-ligoy.

Hindi ko tuloy namalayan na more than twenty minutes ang uninterrupted tsikahan portion ni Papa Ted at ng Aquino sisters.

Workaholic na babae si Kris. Masipag siya at hindi sanay na hindi busy kaya mahirap paniwalaan na tatalikuran niya ang showbiz.

Wala naman sigurong kinalaman sa kanyang pag-alis sa showbiz ang tsismis na kakandidato siya sa 2016 presidential elections.

I repeat, tsismis lang ‘yon pero kung magkakatotoo man at mananalo si Kris, gagawa ng history ang Aquino family dahil naging presidente na ng bansa si Mrs. Cory Aquino at ang kanyang anak na si Noynoy.

Pang-iinsulto kay Kris ni James, nabunyag na

Hindi ko na napanood ang interbyu ni Jessica Soho kay Kris sa GMA News TV.

May nagkuwento lang sa akin sa pang-iinsulto ni James sa kanyang ex-wife.

Nanggaling kay Kris ang impormasyon na dinuro at sinabihan siya ni James ng “Uy, ang tanda mo na. Masuwerte ka nga, pinapatulan pa kita!”

Aray ko. Kahit totoo ang dialogue ni James, nakaka-offend naman talaga ang kanyang sinabi. Masasaktan nga si Kris.

Heart hindi na naïve!

Paano na si Senator Chiz Escudero na napapabalita rin na kakandidatong presidente ng ating bayan?

Papayag ba si Papa Chiz na maging bise-presidente ni Kris?

Si Mrs. Cecile Ongpauco ang nagsabi na pinangakuan daw ni Papa Chiz na magiging first lady ang kanyang ‘naïve’ na anak.

Sa edad na 28, parang hindi na naive si Heart dahil hindi naman siya kagaya ni Sarah Geronimo.

Ngayon, kung si Mommy Divine ang magsasabi na naive si Sarah, maniniwala agad ako.

Isabel mabilis na sumugod, dinamayan si John

Ma at pa ang sagot ko sa mga nagtatanong tungkol sa pananapak ni Jason Francisco kay John Prats sa Music Museum noong Miyerkules.

Unang-una, the who sa akin si Jason. Si John ang kilala ko at ang kanyang girlfriend na si Isabel Oli na mabilis na sumugod sa kinaroroonan ng boyfriend nang mangyari ang insidente.

Showbiz parang weather!

Overacting ang buhos ng ulan kahapon sa Metro Manila.

Ang init-init ng panahon pero parang bumagyo kahapon ha?

Walang ipinagkaiba ang weather sa mga nangyayari sa showbiz na kumpleto rekados ang mga eskandalo, may sports at politics pa! Saan ka pa?

AQUINO

ISABEL OLI

JASON FRANCISCO

KANYANG

KRIS

PAPA CHIZ

PAPA TED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with